Manika 03

230 0 0
                                    

“Papayag ka rin pala, pinahirapan mo pa 'ko,” usal ni Gelo habang nakasandal sa head board ng kama, nagsindi ng sigarilyo at humithit saka ibinuga sa ere na umakyat sa ibabaw ng ulo.

Natahimik si Via habang nakasaplot ng kumot at nakahiga pa rin sa kama. Nasa kwarto ulit siya ng binata para sa kanilang training session.

Kapwa sila nakahubad at magkatabi. Hindi niya gusto ang amoy ng sigarilyo ngunit natitiis niya kapag kasama niya ang binata.

“May pasok ka pa mamaya?” usisa niya.

Napalingon ang binata sa kanya sabay buga ng usok. “Meron, dami ko ngang booking, baka bukas hindi ako makabangon,”

“Dapat hindi muna pala ako pumunta,”

Narinig niya ang mahinang halakhak ng binata. “Okay lang, mas gusto ko naman na ikaw ang appetizer ko, sawa na kasi ako sa pagkain sa taas,”

Hindi niya maintindihan ngunit hindi na siya nagtanong. “Hanggang ngayon ba, wala pa rin akong…”

“Hindi ka nila pakakawalan ng wala ka pang balang karanasan, mahirap na. Tsaka, ayaw mo ba yun? Libre ka sa lahat, bahay, pagkain tapos itong sa 'tin, hinahanda ka lang nila,”

“Bakit hindi ka nagrereklamo? Bakit tinatanggap mo pa rin ang utos nila?”

Ramdam niya ang titig nito sa kanya habang nakatingin siya sa malayo.

“Gusto ko naman ang ginagawa ko, dito lang ako magaling, isa pa, nasanay na 'ko sa 'yo, feeling ko nga natututo ka na, subukan naman natin yung ibang position, tumatagal ka na ng isang oras,”

Hindi niya malaman kung bakit namula ang pisngi niya sa sinabi ng binata. Hindi naman ito naging mabuti sa kanya sa loob ng dalawang linggo nilang pagsasanay at sa di rin niya malaman na dahilan, nasasanay na rin ang katawan niya sa naging libangan nila.

Palipas-oras, naging parausan nila ang isa't isa sa loob ng labing apat na araw at kahit pa may trabaho ito sa gabi hanggang madaling araw, nagagawa pa rin nito ang tungkulin nito. Napapaligaya pa rin siya nito at kahit ayaw niyang aminin, nagiging paborito na rin niyang gawin iyon kapag ito ang kasama.

“Nga pala, tinatanong ni Nay Nellie kung iniinom mo pa yung binigay ko na isang box ng tableta, mahirap na, baka makabuo tayo, yari tayo, hindi pa naman ako gumagamit ng kapote kapag ikaw ang kinakantot ko,” idinuldol na nito ang upos sa ashtray sa side table. “Hassle kasi,”

Iyon din ang isa pa niyang ipinagtataka. Sa dami ng ginalaw at nagiging kliyente nito gabi-gabi, di niya maiwasang magtanong, bakit ayaw nitong gumamit kapag sila ang magkasama?

“Hoy, ano? Kumakausap na naman ba 'ko ang hangin?” tapik pa siya sa balikat.

“Iniinom ko,”

“Yun, sagot kasi agad, dinadaan mo na naman ako sa silent mode mo eh,” bumangon na ito at nag-inat pa. Kumamot sa ulo bago minasahe ang puno ng ari nito. “Magiging busy ka na naman mamaya, boy,”

Saka ito naglakad palabas ng kwarto. Ni hindi na nagsuot ng panloob o pang-ibabang baro.

Humugot siya nang malalim na hininga bago siya bumangon at naupo saglit sa kama. Nagpatila ng ilang segundo saka isa-isang kinulekta ang kasuotan niya. Ang panloob niyang pares na itim, tie-dye t-shirt at high-waist na paldang maong na hanggang kalahati ng hita niya ang haba.

Nagbihis na siya at tinapunan ang naging ebidensya ng mahaba-haba nilang pagbabad sa kama. Iba na rin ang amoy ng kwarto dala ng samu't saring dahilan. Usok ng sigarilyo, nagsamang pawis nila dala ng alinsangan, mga likido na nagmantsa na sa kubre kama't kumot at kulob na amoy dahil sa mga kalat-kalat nitong maruruming damit.

VIRTUES & VICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon