Matapos ang insidente sa loob ng casa, hindi na nakarinig ng balita si Via sa mga kaibigan niya. Matapos kasi nang gabing iyon, tuluyan na silang umalis at tinalikuran na ang trabaho nila at kasalukuyang namumuhay at nagsasama sa isang maliit na bahay sa malayong bayan.
Pilit nilang kinakalimutan ang mga pinagdaanan nila. Ngayon na malaya na sila sa pagkakagapos sa kamay ng prostitusyon, hinihiling na lang ni Via na magkaroon na sila ng maganda at maayos na pamumuhay.
Dahil rin sa nangyari, nagkaroon siya ng trauma at naalala pa rin ang huling karanasan. Madalas pa rin niyang mapanaginipan ang mukha ng hayop na nagtangka sa kanyang halayin.
Kahit na prosti sila, walang karapatan na manakit ng ahente ang mga kliyente. Na-banned na ng tuluyan ang lalaking iyon at ang huli nilang balita, nahuli sa isang buy-bust operation nung kamakailan. Dapat mapanatag na siya dahil malayo na siya sa marahas na mundo na iyon ngunit dala na rin ng naging karanasan at nakaraan ng ina, naisip niyang pinarurusahan siya dahil bunga siya mula sa kasalanan kahit ilang beses nang sinasabi ng asawa niya na wala siyang kasalanan. Biktima lang din siya ng magulo at malupit na mundo.
Walang magawa ang asawa niyang si Gelo sa kalagayan niya kaya napahinga sila sa pagtatalik para di ma-trigger ang phobia niya. Kahit pa alam niyang gusto na rin nitong magkaroon ng anak. Naudlot man, naging maayos naman ang lahat.
Kasalukuyan siyang naghahanda para sa hapunan. Umalis ang asawa niya para magpa-medical dahil natanggap na sa trabaho bilang crew sa isang five-starred chinese restaurant. Isang marangal na trabaho at sa wakas, nakakapag-adjust na sila bilang mag-asawa.
Nung marinig niya ang chime na nakasabit sa pinto, agad siyang napalingon at sinalubong ang asawa.
Malungkot ang mukha nito at parang may gumugulo sa isip. Kaya lumapit siya at yumakap. “Bakit? May nangyari ba sa lakad mo?”
Walang imik ito kaya nabahala na siya. “Mahal, may problema ba?” sinapo niya ang pisngi nito.
Napansin na rin niya ang pananamlay nito at parang lumalala ang pag-ubo kaya iniisip niyang bumagsak ito sa medical lalo na sa x-ray.
Chainsmoker kasi ito dati na sinusubukan naman nang huminto paunti-unti.
“Mahal, kinakabahan na ako,”
“Mahal ko,” niyakap ulit siya at narinig na lang niya ang paghikbi nito.
“Gelo, bakit? Okay lang naman, hanap ka na lang ng iba, gusto mo bang maghanap na rin ako?” pagpapatahan niya habang hinimas ang likod nito.
Nauubos na rin ang ipon nila kaya kailangan na ulit magtrabaho. Yun ang naisip niyang dahilan ngunit napansin niyang may iba.
Kinabahan siya lalo sa sinabi nito.
“Mahal ko, kapag nawala ako, magmahal ka ulit ng iba, 'wag mong hayaan na mag-isa ka,”
“Naguguluhan ako, ano? Bakit? Gelo, ano yun?” kumalas siya sa yakap at minasdan ang mukha nito.
“Lumabas na yung result ng medical test ko, negative ako sa ibang sakit kaso, na-traced nila sa dugo ko, Mahal ko, nag-positive ako sa AIDS,”
Dun na siya parang nabuhusan ng malamig na tubig sa mukha. Natulala siya at di napansin ang pagbagsak ng luha. “Hindi, hindi… Hindi!”
Napaatras siya at napahawak sa ulo at natutop ang bibig. “Hindi, hindi ito totoo, hindi,”
Nagsimula siyang mag-hysterical. “Hindi, hindi ka pa mamatay, gagaling ka, hindi pwede, Gelo…may mga pangarap pa tayo, magkaka-baby pa tayo,”
"Mahal ko, mas mabuting magpatingin ka na rin, para sigurado tayo,”
Umiling-iling siya. “Mas gugustuhin ko pang mahawa kaysa iwan ka, ayoko, dito lang ako, ayoko, ayoko, Gelo! 'Wag naman ganito, ano bang klaseng biro 'to?”
BINABASA MO ANG
VIRTUES & VICES
Ficción GeneralA compilation of slice-of-life, real-score drama and themed stories with a juicy spice of sin and a hint of moral views. It's in the title, see for yourself. Virtues & Vices Vials of pleasure for the wicked. Explicit content and theme. This book...