Matamang naghintay si Maica dahil kinausap pa siya ng magiging coach na hahawak sa volleyball team na sasalihan niya. Medyo late na rin at gagabihin na siya kaya naman sinilip na niya kung saan nagpunta ang bago niyang coach.
“Ang tagal naman ni Coach Franco,” napasilip na siya sa relong pambisig niya.
May daanan pa kasi siya bago umuwi sa kanila. Baka di na niya maabutang bukas ang shop na yun.
Nagulat siya nung biglang tumikhim sa likuran niya ang lalaki. Napalingon siya at ngumiti.
“Coach, nanggugulat naman kayo,”
“Sorry ah, naghintay ka ba nang matagal? Ito oh, bigay mo na rin ang size mo para sa uniform, next week, balik ka dito para sa line up, may tune up match tayo para sa regionals,”
Tinanggap niya ang form na inabot nito at tinitigan saglit bago niya isinilid sa bago niya. “Ah sige po, lagay ko po sa planner ko, anong oras po ang training?”
“Every after class hour, M-W-F para may chance naman kayong mag-catch up sa class ninyo, STEM student ka di ba?”
“Opo, balak ko po kasing mag-psych sa college,”
“Ganun ba, eh di dapat HUMMS ang kinuha mo, di mo ba nabasa ang mga category ng iba’t ibang strands?”
“Alam ko po, HUMMS naman po talaga ako dapat, kaso dad ko kasi, STEM ang gusto para sa ‘kin,”
“Ah, medyo naguluhan lang ako,” ngumiti naman ang coach na kaharap niya.
At dahil talagang napopogian siya, inasar niya tuloy. “Coach, ‘wag kayong ngumiti ng ganyan, baka ma-in love ako sa inyo,”
Lalo tumawa nung biniro niya. “Ikaw ah, nagpapakilala ka na agad ah,”
“Biro lang yun coach, sige po, una na rin po ako, kitakits na lang sa Wednesday,” Martes na kasi bukas.
“May sasakyan ka ba? Late na rin eh, may magsusundo ba sa 'yo?”
Umiling siya at sinabi ang totoo. “Wala po, yung kaisa-isang sasakyan na natira sa amin, ibinenta rin ni Dad, para may pang-tuition ako this year,”
“Ah ganun ba, sige, hatid na kita, saan ka ba banda?”
“Ay naku po hindi na po,”
“Sige na, tsaka isa pa lang ako sa coaching staff, bagito pa ako, kaya Kuya Franco na lang ang itawag mo sa ‘kin, ang lakas makatanda ng ‘Coach’,”
Natawa siya dahil dun at napansin niyang malagkit itong tumingin sa kanya. Bigla siyang nahiya. Kita pa naman gilagid niya kapag tumatawa. Nadiyahe siya bigla.
“Lika, isabay na kita,”
“Sige po, mapilit ka, kuya,”
Sabay silang naglakad papunta sa parking lot. Ipinagbukas pa siya ng pinto. Madilim na at wala na ring tao sa school. Talagang ginabi na siya.
“Saan ka ba banda? Para alam ko kung saan kita ibababa,”
“Actually kuya, may daanan sana ako, pwede po ba?”
“Sige, okay lang. Ang hirap ng adjustment ‘no? New school, new environment,”
“New lifestyle, actually, nahirapan ako lalo nung maghirap kami,”
Nahulog siya sa malalim na pag-iisip kaya tinitigan siya ng binata habang nakatigil sila sa tapat ng traffic lights. Nung nag-go na, pinaandar na nito.
Dumaan sila sa isang shop at second hand phone shop sa may Carriedo, tinubos niya kasi ang ipinagawa niyang phone. Malaki rin ang binayaran niya para lang may magamit siya.
BINABASA MO ANG
VIRTUES & VICES
General FictionA compilation of slice-of-life, real-score drama and themed stories with a juicy spice of sin and a hint of moral views. It's in the title, see for yourself. Virtues & Vices Vials of pleasure for the wicked. Explicit content and theme. This book...