Nagpatuloy ang malamig na komunikasyon nila ni Maica at Mika. At kahit na dumating ito kasama ang nobyo nung inilibing ang ama niya, hindi niya ito pinansin. Lalo na nung makita niyang masaya ito sa tabi ng lalaking umagaw sa dalaga mula sa kanya.
Gusto niyang gumanti, gusto niyang parusahan ang dalaga ngunit paano?
Naisip niyang tawagan si Clyde pero naalala niyang may bagong nobya na nga pala ito.
Yung nangyari sa kanila nung nakaraan, wala lang yun. Alam naman niyang kino-comfort lang siya at ibinibigay lang nito ang hinihiling niya. Sa parteng iyon, napagtanto niyang ginagamit lang niya ang best friend niya at tinatawagan niya lang kapag may kailangan siya.
Sa labis na pagkabalisa at pagdadalamhati, nauwi siya sa paglalasing. Hindi siya umuuwi ng bahay at tumatambay sa bahay ng nobya niya. Minsan jamming pa sila ng tropa nitong naglalako ng mahiwagang damo.
Sandali niyang nalilimutan ang problema at tumatakas sa realidad. Nagigising na lang siya kinabukasan na wala nang saplot at masakit na ang buong katawan.
Hindi na rin siya nagtatanong kung anong oras na o araw. Nawala siya at naligaw.
“Gising ka na pala, Miks,” bungad ng kaibigan ng syota niya na si Nathan.
Hinanap ng mga mata niya ang damit niya pati na rin ang syota niya. “Si Ava, nas’an?”
“Umalis sandali, bumili ng pagkain, bangon na dyan, pagdating nun, kakain na tayo,”
Tiningnan muna niya ang sarili bago nag-umpisang kunin sa sahig malapit sa kama at sinuot. “I passed out, ano bang nangyari?”
Napangiti ang binata sa kanya. “Di mo maalala? Nag-threesome tayo kagabi,” saka ito tumalikod at dun niya napansin ang mga kalmot nito sa likod, naglakad na palabas ng kwarto.
Saka bumalik sa alaala niya kung paano siya nito inararo. Mas madalas pa silang magkapatong kaysa girlfriend niya.
Bumuntong hininga siya. Ang layo na talaga niya sa dating Mika. Hindi na siya ang tahimik at masunurin na bata, isa na siyang pakawala at rebeldeng anak na kinaaayawan niya noon.
Tumayo na rin siya pagkasuot ng damit at lumabas na. Ang kalat sa buong paligid ng unit, may mga ebidensya pa ng mga ginamit nila sa pot session at mga bote ng alak. Pumunta siya sa banyo para magsipilyo at maghilamos.
“Miks, dito tayo,” hinila siya nito pagkalabas niya sa banyo papunta sa kusina at isinandal sa counter.
Hindi niya sinaway kahit hinihipuan na siya nito sa maseselang bahagi. “Alam mo ba, mas yummy kaysa sa girlfriend mo,”
Saka lang niya naamoy, lango pa rin pala ito sa damo. Nagkatitigan sila at nag-umpisang maglampungan. Mabilisan nitong kinalas ang suot na pantalon maging siya, hinubaran ng pang-ibaba.
Hindi niya pinigilan, wala siyang paki kahit gusto na naman siyang sakyan. Malikot na rin ang mga kamay nito na nasa dibdib niya ang isa at yung isa naman nasa pwetan niya, parehong nilalamas.
Nung nauulol na ito, ibinuka na niya ang hita at lalo pang hinila. “Bilisan natin, baka dumating na si Ava,” saka siya pinaupo sa ibabaw ng counter.
Ngumisi lang ito saka siya tuluyang inangkin. Yumuyugyog siya ibabaw ng counter, binabarurot ng isa sa ka-jam session niya.
“Totoo pala ang sabi ni Mike,” sabay buga nito ng hangin. “Masarap ka,” saka siya inihiga sa countertop at patuloy na nilalapastangan.
Napatingin siya sa salamin ng kusina at pinagmasdan ang isang kawawang nilalang na naliligaw ng landas. Wala siyang naging reaksyon, basta nakahain lang siya r’on, handang magpakain sa gustong tumikim.
BINABASA MO ANG
VIRTUES & VICES
Narrativa generaleA compilation of slice-of-life, real-score drama and themed stories with a juicy spice of sin and a hint of moral views. It's in the title, see for yourself. Virtues & Vices Vials of pleasure for the wicked. Explicit content and theme. This book...