Cosplay 04

53 0 0
                                    

Dumating ang araw ng event sa Megamall. Maagang gumayak at nag-asikaso si Aivan saka niya pinuntahan ang syota niya sa condo nito.

Gaya ng lagi nitong suot, sexy na naman ito sa cosplay na pinili kaya pinahiram muna jacket, sinuotan ng helmet saka niya pinasampa sa motor. Yunamakap ito sa baywang niya saka niya pinaandar.

Mabilis lang naging biyahe nila dahil wala pang traffic. Ibinaba niya sa parking ng mall ang dalaga. Kinuha niya ang helmet sa kamay nito at ipinahiram na ang jacket niya. Tumayo muna ito sa harapan niya saka niya hinarap at ngumiti.

Lumapit lalo at hinalikan siya sa labi. Nagtagal iyon na parang semi-laplapan sila saka ito lumayo.

“Text ka kapag tapos na ah, sunduin kita,” paalala niya rito sabay halik niya sa ulo nito.

Tumango ito. “Ingat sa pagmo-motor mo,”

“Sige, pasok ka na, baka mamaya sundutin pa kita dyan eh, ang hot mo pa naman,” malamang biro niya.

Pero pwera biro, gusto niyang bayuhin muna ang girlfriend niya sa hitsura nito. Kahit sino malilibugan lalo naman siya.

Humagikgik lang ito saka humabol ng halik at yakap sa kanya. “I love you, Babe, kita tayo mamaya,”

“I love you too, enjoy ka ro'n,”

Sumakay na siya ulit ng motor habang humahakbang ito palayo sa kanya. Saka niya pinasibad.

Dumiretso siya sa school niya pagkatapos niyang ihatid ang girlfriend niya. Kahit di niya maiwasang mag-alala, pinili na lang niyang magtiwala.

Tiwala naman siya na walang mangyayaring masama sa dalaga, marami naman itong kasama sa loob at di na rin naman lihim sa mga kaibigan nito na sila na, halos magtatatlong buwan na.

Nasa kalagitnaan sila ng sunod na klase niya nung nag-vibrate ang phone niya sa bulsa. Hindi niya pinahalata pero sinilip niya. Girlfriend niya, natawag. Nagtaka siya pero pinatay niya lang.

Mayamaya, ayan na naman. Nung di na siya nakatiis, nagpaalam siya sa prof niya magbabanyo lang siya saglit. Saka siya dali-daling lumabas at sinagot ang tawag.

“Oh, bakit?”

Umiiyak ito sa kabilang linya.

“Bakit? Sylphie, may nangyari ba?”

“Aivan…”

“Bakit nga, tang ina, nag-aalala na 'ko, bakit ba?”

“Aivan, nandito sila, nakita ko, yung isa sa tao ni…Ninong Gaston,”

“Ha? Sino yun? Sinong Ninong Gaston? Teka nasa'n ka ba?”

“Nandito ako sa CR ng babae, kanina pa kasi sila umaaligid, natatakot ako, baka bigla na lang nila akong bitbitin at dukutin, kaya nung nakasalisi ako, tumakbo na 'ko dito, Aivan, natatakot ako,”

Parang tambol ang tibok ng puso niya sa dibdib niya kaya agad siyang umaksyon. “Sige, manatili ka lang kung nasaan ka, mas maganda sa maraming tao para hindi ka nila ma-corner, papunta na 'ko,”

“Babe bilisan mo ah, please,” humagulgol pa ito lalo. “Ayokong sumama sa kanila, baka may gawin sila sa akin,”

“Wag ka nang umiyak, papunta na 'ko,” saka niya tinakbo ang hallway at bumaba.

Dumiretso siya sa parking at kinuha ang motor niya. Hindi pa sana siya palalabasin ng guard, kaya sinabi niyang na-emergency ang nanay niya kaya pinalabas na siya ng gate.

Abot-langit pa rin ang kaba niya sa mga oras na iyon, habang binabagtas ang kahabaan ng C5, matunton lang ang kinaroroonan ng girlfriend niya.

Nung marating niya ang mall, agad niyang tinawagan ulit ang girlfriend niya. Hindi sumasagot. Naku, nahuli na yata siya.

VIRTUES & VICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon