Train 06

162 1 0
                                    

Hindi pa rin nagpunta si Addie sa isang therapist kahit na kinukulit na siya ng kaibigan maging ni Ian na unti-unti nang nagiging malapit ulit sa kanya.

Nanatili ang binata sa tabi niya kahit pa ayaw niya at parating sumasaklolo sa tuwing kailangan niya ng isang kaibigan. Tunay ngang nabaliw ito sa pag-ibig at di alintana ang mga sinabi niyang masasakit na sugat ng kahapon niya.

Ngunit ayaw pa rin niyang magpakakampante, dahil maski siya, hindi pa sigurado sa nararamdaman niya para sa binata.

Sa dami na ng nangyari sa kanya, nanatili ang takot at duda niya sa mga taong napapalapit sa kanya, takot na magtiwala at duda sa mga ipinapakita nilang kabutihan sa kanya dahil alam niyang mayroon at lagi namang may kapalit iyon.

Kasalukuyan siyang naka-sick leave dahil na rin sa di niya magawang mag-concentrate sa trabaho.

Nakatulala siya habang nakatitig sa labas ng coffee shop nung tumunog ang phone niya. Sinilip niya kung sino at nagtaka dahil sa loob ng tatlong buwan, hindi ito na nagparamdam.

Ghosting ang ginawa sa kanya ng tumatawag.

Hindi na niya sana sasagutin kaso para maging malinaw na rin sa kanila ang lahat, sinagot niya.

“Hi, Addie, I know it's been a while,”

Hindi siya nakaimik.

“Can we talk?”

“I'm listening,”

“In person,”

“Jordan I… I'm not in the right mind to—”

“I'm inside the coffee shop too, looking at you,”

Kaya napalingon siya sa paligid at napansin ang binata na nakaupo malapit sa sulok ng shop.

“I'm gonna come closer,” ibinaba na nito ang tawag.

Natahimik siya nung lumapit na ito sa table na kinaroroonan niya. Naupo ito sa tapat niya at tumikhim.

“How are you, Addie?”

“To be honest? Not quite good, you?”

“I'm fairing quite well, for now,”

“I heard about your divorce, I'm sorry, I didn't know you're married,”

“It's been a long time overdue, you have nothing to do with it, my wife doesn't love me anymore,”

Napatango siya nung natahimik ulit sila. “Reagan told me why he introduced us to each other,”

“That babble mouth cousin of mine,”

“He was just concerned, don't get mad at him, pinilit ko lang din siya,”

Napayuko rin ang binata. Sa totoo lang, good catch din ito at matino, kaso hindi niya magawang mahulog ang loob dito. Iba kasi ang nasa puso niya at sa tingin niya, ganun din naman ito.

“Can I ask you why you ghosted me?”

“I'm sorry about that, I didn't mean to really…” napabuntong hininga na lang ito. “I have to protect myself, that's why,”

“From me? Why?”

Tinitigan siya nito nang mataman at hinawakan ang kamay niya. “You are an amazing person, Addie, no doubt about that, and I can't help myself to like you, but… I feel like, you love someone else,”

Napaamang siya at natulala. “How come? How did you know…”

“Ian, you kept calling his name when we were doing it, Ian, the name you kept saying when I was down with you,”

VIRTUES & VICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon