Ilang araw din ang lumipas bago naayos ang paglipat ng school ni Jenna. Kahit alanganin na, mabuti at tinanggap pa rin siya ng unibersidad kung saan gr-um-aduate ang boyfriend niya.Hindi niya akalain na sa loob ng tatlong taon, mahuhulog siya sa halimaw na nagnakaw ng kamusmusan niya.
Nung unang beses na ginawa nila yun, isinumpa niya na kamumuhian niya ang binata dahil sa ginagawa nito sa kanya. Inalis nito ang kainosentehan niya at pinaramdam na lahat ng gumagawa ng mabuti ay laging may hinihinging kapalit.
Ngunit sa kabila ng masama nitong intensyon at kabuktutan nitong pag-iisip, nakahanap din siya ng kakampi.
Hindi niya lubos akalain na sarili pa niyang ina ang kayang ipagkanulo siya sa iba para lang makapagbayad ng utang. Nalaman niya na kinakausap pala nito ang kaibigan na kilalang bugaw sa isang bar. Ibinebenta siya. Nung hindi siya pumayag ay nagalit ang ina sa kanya. Isa pang insidente na talagang gumimbal sa kanya ay nung pagtangkaan siyang halayin ng ama-amain niya nung umuwi itong lasing.
Wala ang kanyang ina, dumedelehensya ng pagkain habang naiwan siyang nagbabantay ng mga kapatid niya matapos niyang manggaling sa bahay ni Dwight.
Hindi pa nawawala ang Inis niya sa lalaki nung bigla siyang haltakin at pilit na pinapahiga sa kama ng amain. Pumiglas siya at sinipa ang amain, dahil sa kalasingan, hindi agad ito nakatayo. Mabuti at agad siyang nakatakbo palabas.
Umiiyak siyang naglakad palaboy-laboy sa daan hanggang sa maisip niya ang inalok ng binata.
Kahit labag sa loob niya, kahit labag sa prinsipyo niya, pikit-mata niyang inihakbang ang mga paa niya papunta sa malaking bahay ng binata.
Litong lito siya nun at walang ibang mapuntahan. Kaya wala na siyang inaksayang panahon. Kumatok siya sa pinto ng bahay na hindi niya lubos akalain na magiging kanlungan niya sa loob ng anim na buwan.
Matapos nilang magtalik, kinausap muna siya nito bago ibinigay ang halaga na napag-usapan nila. Pinayagan din siyang gumamit ng banyo para mahugasan ang ginawa nitong kahayupan sa kanya. Ilang beses niyang kinuskos ang katawan niya na may mga bakas pa ng halik at mantsa ng kababuyan nito. Hindi niya maiwasang mandiri at manliit.
Ibinayad niya ang katawan niya para sa tatlong buwan na utang na renta ng pamilya niya.
Nung natapos siya, Nakatulala lang siya sa harap ng salamin habang nakatapi ng tuwalya. Bumalik lamang ang ulirat niya nung kumatok ito sa pinto ng banyo.
“Tapos ka na ba? Bilisan mo, naiihi ako,”
Kaya nagmamadali niyang inayos ang sarili at tahimik na lumabas ng banyo. Nakasalubong pa niya at sininghot pa ang ulo niya. “Mas mabango sa 'yo yung bodywash ko,”
Pilit niyang iniiwasan pero hinalikan pa rin siya sa leeg. “Mukhang hindi ka na talaga magsasalita, sasabihin ko lang na the best ka sa lahat ng naging babae ko, the best ka,” humalakhak pa bago pumasok at isinara ang pinto.
Isusuot na sana ulit niya ang damit maging ang panty niya namantsahan kanina ng dugo. Kaso lumabas ito galing banyo, bagong ligo rin at mamasa-masa pa ang katawan.
“Wag na yan ang suotin mo, pahihiramin na lang kita ng t-shirt, parang sa nanay mo pa yan eh,”
Ibinaba na lang niya nung hagisan siya nito ng puting t-shirt at isang boxer. “Dito ka na matulog, masyado na ring late,”
Naalarma siya. Ayaw na niyang ulitin ang kung anumang ginagawa nila. Sapat na ilang beses siya nitong pinaglaruan at pinagparausan.
“Wag kang matakot, tapos na tayo kanina, pwede rin naman kung gusto mo pa,”
BINABASA MO ANG
VIRTUES & VICES
General FictionA compilation of slice-of-life, real-score drama and themed stories with a juicy spice of sin and a hint of moral views. It's in the title, see for yourself. Virtues & Vices Vials of pleasure for the wicked. Explicit content and theme. This book...