Mainit ang ulo ni Ian na umuwi sa apartment niya matapos niyang dumalaw sa bahay ng magulang sa nakalipas na long weekend.
Ang sabi ng nanay niya, malaki ang ipinagbago niya dahil hindi na raw siya kilala nito.
Ano bang nagbago? Ganito pa rin naman siya.
Napabuga siya ng malalim na hininga saka tinapunan ng tingin ang balkonahe. Kasalukuyan kasi siyang nakaupo sa sofa at nagpapahinga, nag-iisip at madalas mapatanong sa sarili.
Ilang linggo na rin mula nung huling gamit niya at wala siyang ibang maisip na mapaglibangan o malabasan ng mga hinaing niya kundi ang dalaga.
Ilang araw na rin itong hindi nagpaparamdam, mula nung iniwan niya ito sa condo nito nung nakaraan, hindi naging maayos at paghihiwalay nila at ang nakakaasar, hinahanap-hanap pa rin niya ang init nito.
“Letse ka, Ian, mag-move on ka na,” usal niya sa sarili at padaskol na tumayo at naglakad patungong kusina.
Naghanap nang pwedeng lutuin at nag-asikaso.
Hindi niya magawang makipag-ugnayan sa iba o kahit sa chat man lang, wala siyang makaharutan o makapalitan ng mensahe, hindi rin kasi mawaglit sa isip niya ang imahe ng dalaga lalo na nung iwan niya ng ganun na lang.
Ginamit niya at iniwanan na parang maruming basahan.
Halos sapakin niya ang sarili niya kung bakit ba siya nagkakaganito, siguro nga gago siya at talagang napaibig na sa maharot at malanding babaeng iyon.
Ngunit kahit ganun, sa kabila ng kapintasan nito, hindi niya kayang kalimutan. Nanuot na sa bawat himaymay ng pagkatao niya ang kamandag at karisma ng dalaga.
Mahal niya kaya siya ganito, nauulol at nawawala sa sarili.
Nabitawan niya ang hawak na aluminum bowl at nawalan na ng gana. Balak sana niyang magluto ng matinong ulam ngunit nauwi na lang siya sa pagpapa-deliver ng pagkain mula sa app niya sa phone.
Magastos at masyadong maluho pero ano pang magagawa niya? Tinatamad siyang gawin ang kahit ano. Lalo't tuliro siya at may iniindang sakit sa dibdib.
Umibig siya at nabigo, sa unang pagkakataon, hinangad niyang mapasakanya ang isang taong di niya makuha ng buo.
Karma na siguro niya, sa dami ng tinarantado niyang babae nung kabataan niya.
Yan tuloy, pati utol niya, nadamay sa kamalasan niya.
Ngayon linggo niya rin nalaman na yung kapatid niyang babae, nabuntis ng kung sinong lalaki, nabetsin sa isang party na dinaluhan sa isang event sa eskwela kaya napaluwas siya mula Maynila patungong Laguna kung saan napauwi ang mga magulang niya. Halos atakehin sa puso ang tatay niya nung malaman kaya umuwi siya para ayusin ang gulo at kausapin ang bunso nila.
Pati yung nursing student niyang kapatid, napasugod rin, mabuti pa ang sumunod sa kanya, di pa nag-aasawa at matino di gaya niya. Yung nga lang, parang nahahalata na niya.
Babakla-bakla kaya laging nabubugbog dati ng tatay nila. Siya lang naman ang nagtatanggol sa kapatid niya sa tuwing galit ang tatay nila.
Para tuloy siya na ang tumatayong padre de pamilya dahil sa sakitin na rin ang tatay nila at wala namang hanapbuhay ang nanay nila.
Parang pasan niya lagi ang mundo sa tuwing may nangyayaring gusot sa pamilya nila. Siya ang laging naatasang umayos at laging nakaasa sa kanya ang huling pasya.
Kaya ginawa niya ang nararapat. Pananagutin niya ang sinumang lumapastangan sa kapatid niya. Pinaasikaso na niya sa pinsan niyang pulis at nakadestino sa Sa San Pedro Police Station. Tutukan daw nila ang kaso ng kapatid niya.
BINABASA MO ANG
VIRTUES & VICES
Ficción GeneralA compilation of slice-of-life, real-score drama and themed stories with a juicy spice of sin and a hint of moral views. It's in the title, see for yourself. Virtues & Vices Vials of pleasure for the wicked. Explicit content and theme. This book...