Isang lingo na pala akong naka tira dito, at masasabi kong hindi madali, pero
nasasanay na ako.Alam ko na nagrereport ang mga yaya namin kay Juaqin, hindi ko alam bakit
ginagawa un ni Juaqin? Tsk, natural wala syang tiwala sa akin i mean kay Sabrina.baka nga may alam na to sa mga kalukuhan ni sabrina.
Papunta kaming Town ngayon, dahil bibili akong gift ni Juaqin, oo birthday nya ngayon at may party sa mansyon nya mamaya.
"Anu bang pweding ibigay sa kanya"
Para akong tangang nagsasalita dito, napatingin pa sa akin si mang jose.
"Baka nman po meron kayong alam na pwedi ibigay kay Juaqin?"
"Naku ma'am, kahit anu pong ibigay nyo kay Senyor magugustuhan nya po, saka
matutuwa po sya dahil makakatangap syang regalo mula po sayo maam" Mang jose.Ibig sabihin wala pa syang natatangap na kahit anu galing kay sabrina, ' Tama nga ako nasa loob ang kulo ni sabrina, mukhang santa pag tinitignan pero demonyita pala ito'.
"Nandito na po tayo ma'am " Mang jose.
Pinagbuksan nya akong pintuan kaya lumabas na ako.
"Mag antay nalang po ako dito ma'am" Mang jose.
Ngumiting tumango lang ako sakanya, at pumasok na sa shop.
"Good morning ma'am, how may i help you " Sales lady or anu ba assistant.
"Hmm may couple bracelet ba kayo dito?"
Yes bracelet, wala kasi akong ma isip na iririgalo na halos nasa kanya na ang lahat.
Naol nalang.
"This way po ma'am "
Sabi nya kaya sumunod naman ako.
Mga ilang oras din akong pumili, pero naka pili nman ako sure bagay sa kanya ito.Pagkatapos mabayaran lumabas na akong shop at umalis na, wala nman na akong pupuntahan pa kaya umuwi din kami agad.
-----------end pov.
" Ma'am Sabrina, ayaw nyo po ba nito?" Karen.
"Hm, masyadong maiksi yan" Savanna.
"Ito po ma'am" Rita.
"Pwedi pero backless, kaya hindi" Savanna.
Kanina pa sila naghahalungat ng maisusuot ni Savanna pero ni isa walang nagustuhan ang dalaga, napapakamot nlang ang mga yaya nito sa batok.
Nagsimula na ang party pero nandito parin sila.
"Ma'am ito bagay po sayo" Karen.
"Hm, pwedi na din, sge yan na" Savanna.
Halos kuminang ang mga mata nila dahil pumayag na ang dalaga.
"Lalabas na po kami maam, para makapag bihis kana po" Karen.
"Sge, salamat pala sa tulong nyo" Savanna.
"Wala po un maam" Rita.
Lumabas na sila, kaya inumpisahan na ni Sav ang pag bihis. Isang plain white dress ang sinuot ni savanna, kita ang kalahati nitong balikat, mendyo fitted ang dress pero ayos lang nman sa kanya nagsusuot namn syang ganito pag may mga okasyon sa trabaho.
Nasa hardin na si Juaqin kasama ang mga kaibigan nito
"Hm, pwedi na" Savanna.
Naglagay syang kaunting make up, light lang ito at lip gloss, na satisfied naman sya sa itsura nya kaya nag pasya na itong lumabas bitbit ang regalo nya kay Juaqin.