4.

328 3 0
                                    

Sav pov.

Pag mulat ng mata ko mukha agad ni juaqin ang bumungad sa akin.

Ang gandang simula ng umaga ah, ang pogi nya talaga kahit masungit, dahil pogi ka crush na kita
haha.

Naka yakap ang braso nito sa bewang ko at nakayakap naman ako sa dibdib nya.

'Pag nalaman to ng kakambal mo savanna, lagot ka talaga!' kaya nman dahan dahan akong umaalis sa pagkakayakap nito at ng maka alis bumaba na akong kama at
sinuot ang flat sandal ko, dahan dahan akong pumasok sa bathroom, dun ginawa kona ang morning routine ko.

Pag labas ko tulog pa din sya kaya nagbihis muna ako bago bumaba.

"Good morning ma'am sab, ang aga mo nman po nagsiging" Yaya 3

Pansin ko lang sya ang pinaka energetic sa kanilang apat.

"Good morning din, oo gusto ko kasing magluto"

Nagkatinginan naman sila, bakit hindi pa ba nakakapag luto si Sabrina?.

"Marunong ka po mag luto ma'am" Yaya 2.

"Oo nman, ako pa "

masiglang sagot ko.

Hinayaan nman nila akong magluto naka alalay lang sila sa akin may taga hiwa ako at taga hugas haha.

"Tikman nyo nga"

Utos ko kaya kanya kanya silang kuha ng kutsara, napatingin nman ako sa wall clock mag 10 na pala, tagal ko palang nag luto ah.

Nag luto ako ng menudo at bake macaroni and fries.

Nasarapan ata sila sa niluto ko at hindi na makapagsalita.

Tulog paba sya? Sabagay lingo ngayon baka wala syang pasok.

"Ya paki-"

Natigil ako sa pag sasalita ng makita si Juaqin pababa ng hagdan at mukhang
nagmamadali sya, naka business attire kasi ito.

.
"Good morning sir, kakain na po ba kayo?" Yaya 1.

"Good morning"

Bati ko pero hindi man lang nya ako pinansin. Awts

"Hindi, ilabas nyo si Jasper mamaya sa hardin" Juaqin.

"Sge po sir" Yaya 2.

"Sir Juaqin, tikman nyo po---" Yaya3.

Lumabas na ng mansyon si Juaqin, hindi man lang nya pinatapos si Yaya.

"Sge na kumain na tayo, sabayan nyo ako ulit at walang tatangi"

Sanay na akong kumain mag isa pero, syempre mas masaya na may kasalo, gusto ko syang makasabay kumain pero mukhang ayaw nya.

Kumain kami at panay din ang tawa nmain sa mga jokes ni yaya 3, hindi ko na tatanungin mag pangalan nila dahil nakakalito haha.

"Ma'am Sabrina, salamat po sa umagahan" Yaya 4.

"Wala yun" nginitian ko pa sila.

"May pupuntahan po ba kayo ngayon ma'am?" Yaya 1.

"Hm, wala nman, balak mo sana maglibot dito sa mansyon"

"Samahan po kita maam" Yaya 3.

"Ako din ma'am" Yaya 2.

Pagkatapos nming kumain, nagligpit na sila sabi ko ako na mag huhugas pero ayaw nila.

"Ma'am kaya nyo pa po ba?" Yaya 3.

Panu kanina pa kami lakad ng lakad, ang laki talaga nitong mansyon nya.

"Tara na po sa kusina ma'am Sabrina" Yaya 2. Magtatanghalian na din kasi. Kaya nman bumaba na kami.

The Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon