Mabilis ang naging sagot ni savanna, gusto nya matawa sa tanung nito panu nya mamahalin ito, e hindi nman sya ang babaeng pinakasalan.
Mas lalo pang sumama ang tingin ni Juaqin kay savanna pero pinirmahan namn nya ang papel.
Kukunin na sana ito ni savanna sa table, pero dinaganan ito ni Juaqin gamit ang kamay nito kaya napatingin sya dito.
"Wag kang mag alala pabibilisin ko ang annualment natin sa loob ng dalawang lingo malaya kana" Juaqin.
Na kinangiti ng maluwag ni savanna, akala nya luluha na naman syang aalis dito.
"Thank you" Savanna.
Mas lalo pang sumama ang tingin sa kanya ni Juaqin, pati leeg nya naguugat na.
Hinablot ni savanna ang papel saka nilagay sa bag nito.
"Para sa kalayaan mo Juaqin" Savanna.
"Para sa akin ba talaga yan! , o para sa inyo ni kenneth?" Juaqin
"That asshole?" Savanna.
nagkibit balikat lang sya.
Lalabas na sana syang pintuan ng magsalita ulit si Juaqin.
"Wag kana sanang bumalik pa sabrina!, baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo pag bumalik ka! " Juaqin.
"Dahil hindi na ako tatangap pang pinaglumaan ng ibang hayop! " madiin na sabi ni Juaqin.
Masakit marinig ito para kay savanna pero wala syang magagawa.
Pinigil nito ang nagbabadyang luha nya.
"Let see Juaqin, wag kang magsalita ng patapos baka magsisi ka" Savanna.
Buong lakas nyang sinabi at pinigilang hindi humikbi.
Hindi na nya inantay pang mag salita ang binata lumabas na sya agad.
Nanlalambot ang nga tuhod nitong naglalakad pababang hagdan.
Lalabas na sana syang mansyon ng may pumigil sa kanya.
"Karen" Savanna.
"Ma'am sabrina, kamusta kana po?" Karen.
Pinigil ni savanna ang sarili na wag umiyak.
"Ayos lang po ba kayo ma'am ?" Karen.
"Karen pwedi kabang sumama muna sa akin, kahit saglit lang" Savanna.
Kailangan nya ngayon ng masasandalan.
"Sge po ma'am, sasama po ako sayo" Karen.
Lumabas silang dalawa at sumakay sa kotse ni savanna.
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa apartment ni savanna.
"Pasok ka" Savanna.
"Sa inyo po ito ma'am?" Manghang tanung ni karen.
"Ah oo" Savanna.
"Ang gaganda po ng mga design at art nyo ma'am" Karen.
"Ako lahat ang gumawa nyan" Savanna.
"Talaga po, pero ang alam ko po wala kayong hilig sa art" Karen.
"Madami ka pang hindi alam tungkol sa akin karen" Savanna.
"Upo ka" Savanna.
"Anu pong ibig nyong sabihin maam sabrina? " Karen.
"Savanna, Savanna ang tunay kong pangalan" Savanna.
"Nakikita mo ba yang picture na yan?" Savanna.
Tumango lang si karen, hindi nya parin na gegets ang sinasabi ni savanna.
"Sabrina and I are twins, karen" Savanna.
Nanlaki ang mga mata ni karen sa narinig.
"Paanu pong nangyari yun?, hindi ko po maintindihan" Karen.
Napa hingang malalim muna si savanna bago nagsimulang mag kwento sa kanya.
Nagugulat nalang ito at nanlaki ang mga mata.
"All this time po ikaw ang kasama po namin, hindi si ma'am sabrina?" Karen.
"Yes, at hangang ngayon malubha parin ang kalagayan nya" Savanna.
"Alam po ba ni sir Juaqin ma'am savanna?" Karen.
"Hindi ko sinabi, ayaw kong madamay sya sa problema namin ng kakambal ko" Savanna.
"Savanna nalang ang itawag mo sa akin" Savanna.
"Hm ate savanna, baka makatulong po si sir Juaqin para masagip si ma'am sabrina" Karen.
"Hindi ko alam karen, kakapirma lang nyang annulment namin panigurado masama ang tingin nito sa akin" Savanna.
"Hindi po sayo ate, kay ma'am sabrina po sya galit" Karen.
"Napaka bait mo ate sav at hindi ka nagtanim ng galit sa kapatid mo, na sumira sa buhay at dignidad mo po" Karen.
Lumuwag ang pakiramdam ni savanna dahil nandito si karen, nagulat sya nang yakapin ito ni Karen.
"Ayos lang pong umiyak ka ate sav, nandito lang po ako" Karen.
Kaya nman iniyak lahat ni savanna ang nararamdaman.
--"Salamat Karen"
"Wala po yun ate savanna" Karen.
Nagtagal pa ng ilang oras si karen pero kailangan na nyang bumalik sa mansyon at may pupuntahan din si savanna, ipapasa na nito ang annulment paper.
"Karen, ipangako mo na wala kang pag sasabihang ibang tao" Savanna.
Ngumiti naman sa kanya si Karen saka nag paalam na.
Nagtuloy nman si savanna sa pupuntahan nito, inabot syang dalawang oras sa pilahan ng matapus ay umuwi na ito.