8.

286 4 0
                                    


Nayukom ni Juaqin ang kamao dahil sa nalaman nito kay karen, nag report uli kasi ito sa kanya, naawa si karen kay Sabrina kaya sinabi nito ang pag iyak ng dalaga at san nya nakuha ang pasa sa mukha.

"Salamat Karen, sge pwedi kanang bumalik sa kwarto mo" Juaqin.

Nakunsensya sya sa nangyari sa asawa, pero hindi nman nya alam na ganun ang gagawin ng mga magulang nito.

Dahil alagang alaga nila si Sabrina lahat nga ng gusto binibigay sa kanya, spoiled brat kung ituring, pero simula umuwi ito galing accident nag iba ang ugali nito para syang ibang tao, na isip ito ni Juaqin.

"Something is wrong" Juaqin.

Pumanhik ito sa taas at pumasok sa kwarto nila, naabutan nyang mahimbing na natutulog ang asawa, nasasanay na din sya sa presensya ng asawa nito.

Nilapitan nya ang dalaga, at umupo sa sahig pinaka titigan nito ang mukha ng asawang natutulog.

Hangang mapadapo ang tingin sa mapupulang labi nito, sa isip ni Juaqin hindi pa nya nahahalikan ang asawa sa labi, kaya walang anu anu nitong nilapit ang mukha sa asawa at hinalikan ito.

Sa una nilapat nya lang ang labi pero nang malasahang matamis ito, sinipsip pa nya ang labi ng asawa, mabuti nalang at tulog mantika si savanna.

"Shit!"

Mahinang mura ni Juaqin matapos mahiwalay sa labi ng asawang naka awang na ngayon ang bibig.

Napalunok nalang ito sa nakikita, nate temp na halikan uli ang asawa pero gumalaw si savanna dahilan upang mapatayo si Juaqin.

Kinabahan si Juaqin baka magising ang asawa. Napa bugang hangin ito, napansin tulog pa ang asawa, sa isip ni Juaqin, ayos lang na hindi sya ang first kiss ni sabrina ang mahalaga nahalikan nya ito, pero hindi nya alam na sya ang first kiss ni Savanna.

Pumasok na ito sa bathroom nila, kasabay ng pagsara nito ng pinto ang pag mulat ng mga mata ni savanna.

"Tsk, sabi na eh may gusto ka din sa akin, i mean kay Sabrina" Savanna.

Nawala ang ngiti nitong napag tanto na hindi pala sya si Sabrina.

"Asawa ng kakambal ko ang first kiss ko, wow!" Bulong ni Savanna habang nakahiga.

Napahawak sya sa labi nito at napangiti.

"Masarap palang mahalikan haha"
Mahinang sabi ni savanna.

"Kawawang Juaqin, mahal mo nga sya pero hindi ka nman nya kayang mahalin, tsk" Savanna.

"Kasing gulo ng buhay ko ang magyayari sayo pag nalaman mo lahat" Savanna.

Pinikit na nya muli nag mata at nag tulog tulogan baka kasi biglang lumabas si Juaqin.

Pero talagang nakatulog din si Savanna kaya hindi na nya namalayang lumabas si Juaqin sa bathroom.

Tinignan muna sya ni Juaqin bago pumasok sa dressing room nila para mag bihis.

-----

Dinner.

Pag baba ni savanna, ingay at boses agad ng babae ang naririnig nito.

"Sabrina!" Impakta 1.

"Sab buti nman at gising kana" Impakta 2.

Naka upo sila sa sofa kaharap sa kina uupuan ni Juaqin, at ang mga damit nila halos wala ng matakpan, dahil sa iksi at nipis na tela nito.

Tumayo nman sila saka bumeso kay savanna ngiting pilit lang ito sakanila , 'parang ayoko magsalita'.

"Uy Zena, bumakat ung lipstick mo sa pisngi nya ang gross mo talaga" Impakta 1.

Pinunasan nman ni Zena ba to ung pisngi ko.

"Gosh sab, hindi kaba mag sasalita dyan or hindi mo din kami naalala?" Zena.

"Ganun na nga" Savanna, she heard a gasp from them.

"Ow poor Sabrina, don't worry ipapa alala namin sayo lahat" Impakta 1.

'Kahit wag na'-savanna.

"San ka pupunta Juaqin?" Impakta 1.

Sa isip ni savanna 'Teka bakit ganito sya kay Juaqin, pa cute at iniipit pa ang dibdib para lumuwa ito'

"Office" Juaqin.

tipid na sagot ni Juaqin dito saka naglakad na paalis.

"Girl, wala kang effect!" Zena.

"Another day, zena" Impakta 1.

Huh?anu daw.

"So, palpak din ang plano nyo ni Kenneth, Sabrina?" Impakta 1.

"Oo?" Savanna, Sumabay ito sa sinasabi niya.

"Sinasabi ko na nga ba hindi ka talaga na amnisya, so anu ang plano?, dapat mahiwalayan mo na sya para naman maakit ko sya at maging akin" Impakta 1.

"So, itutuloy nyo ang plano ni Kenneth na pabang sakin si Juaqin" Zena.

'Mukhang sa kanila ako makaka kuha ng impormasyon, pero sa mga nalaman ko sapat na pala' - savanna.

Buti nalang at may cctv dito sa living room makaka kuha akong copy ng lag uusap nmin.

"Oo ganun na nga," Savanna.

"Pero paanu ang mga magulang mo? Pag nalaman nilang hindi ka sumunod sa gusto nila baka parehas kayong pulutin sa kangkungan nyan" Zena.

" Wag kang kabahan zena, naka puslit nga ng pera si sabrina sa kanila kaya hindi sila mamumulubi" Impakta 1.

Nagulat si savanna sa narinig, parang mas lalo pang naguluhan ang dalaga.

"Nasa account mo na ung pera sabrina ako mismo ang nalipat at gosh ang laki nun ah" Impakta 1.

Nagkwentuhan pa sila hangang mag gabi at nagpasya na silang umalis, kaya kinuha itong pagkakataon ni savanna para kunin ang copy ng cctv sa living room, pagka kuha nito bumalik sya sa kwarto at hinanap ang gamit ni sabrina.

"Bakit ka may ganitong kalaking pera sabrina?" Savanna.

Napakaramaming zero kasi ang nakita ng dalagita sa passbook account nito.

"Anung gagawin mo dito?" Savanna.

Nag isip pa lalo si savanna at pilit pinag tagpi tagpi ang mga nalaman.

"What the Fuck!" Savanna.

Ngayon nya lang naisip, na posibling kagagawan ng mga magulang nito ang nangyari kay sabrina dahil sa hawak nito ang pera nila.

"Hindi to maganda" Savanna.

Naisip ni savanna na hindi sya pag hihinalaan ng mga magulang nito kung ilipat nya ang pera sa ibang account, mas ok na ilipat nya ito baka biglang magkalkal ng gamit ang mga magulang nila.

Nakatulala sa kawalan si savanna at hindi napansin ang pag pasok ng asawa sa kanilang kwarto.

The Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon