KARLA
"What the hell is wrong with your mouth Alexis? Ang aga-aga yung boses mo buong university agad naka rinig."
Para siyang batang tumatakbo papunta sa'kin.
"Hinahanap kita kanina pa. Someone is here for you." Hinihingal niyang sabi.
"Who?" I asked.
"Your ex-boyfriend"
Napapikit ako sandali at hinilot ang sentido ko.
Ano na namang ginagawa n'ya dito?
"Where is he?"
"Sa office mo" Sagot ni Alex.
Tumango ako at naglakad papunta sa office ko. Sumunod rin naman si Alex sa akin.
Syempre marites siya eh.
Nang makapasok ako sa office ko ay inabutan ko ang isang lalaking matangkad at may kalakihan ang katawan.
Tumayo siya mula sa couch at sinalubong ako na may malaking ngiti sa labi niya.
"Bab-"
"Shut your mouth." Putol ko sa kaniya.
It's my ex boyfriend,..i mean ex fiance.
Ilang beses ko ka siyang nahuli na niloloko ako pero napatawad ko siya dahil sa pag-mamahal ko sa kaniya pero yung huli ay hindi na.
He cheat on me with my cousin, nahuli ko pa sila mismo sa bahay niya. I'm so mad at them at hinding hindi ko makakalimutan ang pagiging ahas ng impakta kong pinsan.
"What are you doing here Dylan?" I asked.
"I'm here to get you back Karla" Malungkot ang boses niyang yumuko.
"At sinong nag-sabi na babalik ako sayo?"
Lumapit siya bigla sa'kin at hinawakan ang mga kamay ko.
Napairap naman ako sa ere dahil eto na naman siya sa pag mamakaawa niya tapos bukas ibang babae na naman ang kasama niya sa kama.
"I'm sorry please, hindi ko na kaya...mababaliw na'ko dahil araw-araw kitang naiisip. Babe balikan mo na ako, I promise mag babago na talaga ako." Lumuhod pa siya sa harap ko.
Tumingin ako kay Alex na ngayon ay naka upo sa swivel chair ko habang kumakain ng popcorn.
Where the hell did she get that?
Daig niya pa ang nanonood ng pelikula.
Nakita ko pa na ngumiti siya kaya napa irap ako.
"We're done Dylan, wala na akong pakialam kahit mabaliw ka dahil deserve mo rin naman."
Sinubukan kong bawiin yung kamay ko pero bigla naman siyang yumakap sa baywang ko habang naka luhod.
"No please...gagawin ko ang lahat basta bumalik ka lang. Magbabago na'ko Babe."
Hindi na effective sa'kin lahat ng pagmamaka awa niya. I already gave him so many chances pero paulit-ulit lang niya akong ginagago. He keep saying na mag babago siya pero hindi niya mapigilan yung libog n'ya.
The fuck! Porket ba hindi ko kayang ibigay yung katawan ko sa kaniya ay sa iba niya hinanap?
He don't love me, ginagawa niya lang 'to kasi alam niya na ako lang ang babaeng hindi niya makuha sa kalandian niya.
"I don't care, ayoko na" Seryosong sabi ko bago siya itulak palayo sa'kin.
Tumayo siya para pantayan ako at tumingin sa'kin.

BINABASA MO ANG
The Coldest Moon
RomanceKatherine Miranda Story ProfessorXStudent -Like the sky to the moon, I'm willing to embrace your coldness. GxG