Prologue

1.7K 38 4
                                    

KATHERINE

Excited akong nag punta sa office ni Miss Clemente dahil gusto niya raw akong kausapin.

Siguro miss niya na ako?

Sheesh, kakeleg.

Parang tanga naman, eh nakita mo palang siya kanina Katherine.

Pagdating ko sa office niya ay agad kong binukas ang pinto at hindi ko na nagawang kumatok.

"Don't you know how to knock?" Seryosong salubong niya na parang may inis pa ang boses.

"Bakit galit ang Lovey ko?" May lambing kong tanong at lumapit sa kaniya. She's looking at her laptop.

Gusto na naman yata ng lambing jusko!

Ngumiti naman ako at yayakapin sana siya pero pinigilan niya ako at tumayo sa inuupahan niya.

"Don't" She looked at me with her unusual look.

Yung parang irita at ayaw akong makita.

Parang kinurot yung puso ko kahit sa ganong pananalita niya lang.

She's not like this to me. She's so excited sa tuwing makikita niya ako.

"What's wrong?" May pag-aalalang tanong ko.

"Let's top this." She stared directly to my eyes.

Stop what? Ano na naman trip n'ya?

"W-what are you trying to say Lovey?" Takang tumingin ako sa kaniya. Nanatili siyang tahimik kaya nag salita ulit ako.

"Lovey wha-" Hindi ko natapos yung sasabihin ko nung bigla siyang nagsalita.

"Let's break up" She licked her lips and stared at me coldly. "Tapusin natin 'to ng maayos Katherine." Kalmadong sabi niya.

Wala man lang akong makitang emosyon sa mukha niya.

I feel like my heart is getting crushed, breaking apart bit by bit. I tried to hold back my tears

" I don't love you anymore. Nakaka-sawa na Katherine. Hindi na'ko masaya sayo kaya hayaan mo na'ko." Maya't maya niyang sabi na siyang nagparamdam sa akin ng iba't ibang klaseng sakit sa dibdib.

"L-Lovey" Yung luha ko nag unahan bigla kahit pigil na pigil ako.

Nakakasawa?

Tangina naman.

"Now leave my office and don't show yourself anymore." Malamig niyang sabi bago bumalik sa upuan niya.

"A-Are you saying this kasi aalis ka?" I asked painfully and saw how she frozed.

"It's none of your business." Malamig niyang turan at hindi man lang ako binalingan ng tingin.

I know she's trying to push me away this time kasi tutuloy siya sa pag alis ng bansa.

I won't let this end. Hindi kami magagaya kay Rhiane at Ate Selene.

Suminghap ako nang maraming hangin at
binuga lahat ng 'yon nang mabagal. I tried to
show her a smile, but she didn't even give me any emotion. And it added to the pain I felt inside me.

Lumapit ako sa kaniya at Inikot ko bigla yung swivel chair niya paharap sa'kin at lumuhod sa harapan niya. Nagulat siya sa ginagawa ko at napakapit ng mahigpit sa balikat ko.

"What the hell Miranda!" Singhal niya.

Hindi ako nag paapekto sa galit niya.

"Lovey, don't do this please." Kinuha ko sa balikat ko yung mga kamay niya at hinawakan ito habang matamang naka tingin sa kaniya.

"Let's work this out, lahat sila umalis na and I can't bare to lose you too. Maiintindihan ko naman kung aalis ka pero hindi mo naman ako kailangang hiwalayan." Mahinahon kong paki-usap sa kaniya.

"Ayoko na" Maikling sagot niya na nag pakirot lalo ng dibdib ko.

"L-Lovey.. " I muttered.

"Please let me go Katherine."

Parang pakiramdam ko ay gumuho ang lahat ng nasa paligid ko dahil sa sinabi niya.

Sobrang bigat ng dibdib ko at hindi ko napigil ang pag agos ng mga luhang kanina ko pa kino-kontrol.

"Please...don't leave me " Umiiyak kong pagsusumamo sa kaniya at dumukdok sa kandungan niya habang hawak ang mga kamay niya.

"I love you Karla...please kaya kong mag hintay if gusto mo talagang ituloy yung plano mo, basta wag mo lang akong hiwalayan. P-Please Lovey, ayokong mag-patuloy ng walang tayo." I cried harder.

I really hate begging but I can't lose her.

Hindi ko na natiis at niyakap ko siya ng mahigpit sa beywang.

"You will never grow if I continue to hold on Katherine. Hindi na ako babalik kaya wag mo na akong hintayin." She coldly said.

Her words cut through me like a thousand knives. It felt like our story had reached its final chapter.

Kusang lumuwag ang pagkaka-yakap ko sa kaniya. Tinulak niya ako ng bahagya at tumayo siya mula sa swivel chair.

" I-Is this really what you want?" I asked as I weakly looked at her.

"Yes, I want to start my new life without you." Malamig niyang turan bago nag-lakad palayo sa akin.

Nanginginig ang buong katawan nang tumayo ako, wala akong nagawa kun'di tumingin lang sa pintong nilabasan niya.

She told me before that she's willing to embrace my coldness but now she's turning her back on me like she never wanted to be with me.

"I hope you find happiness, I'm rooting for you. Always." I tried to smile as the tears escaped my eyes again.

Some people are only meant to stay for a while,  even if we want them to stay forever.

The Coldest MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon