Chapter 24

963 24 4
                                    

KATHERINE

"Tignan mo si Rhiane, muka talagang nabuwang na kay Miss Selene." Bulong ni Rona sa akin habang palihim na tumatawa at naka tingin sa pinsan ko na muka na naman lutang.

Tumingin naman ako kay Rhiane na wala sa sarili. Umamin kasi si gaga sa amin na gusto n'ya daw si Miss Selene tapos hindi s'ya gusto.

Ouch. Emotional damage talaga.

Sa tingin ko naman gusto rin s'ya ni Miss Selene, nag papa kipot pa siguro this time. Imposible na mag kamali ako dahil kulang nalang saksakin n'ya ng tingin yung mga humaharot kay Rhiane.

Grabe yung pagka possessive.

"Hayaan mo, kung inggit ka gayahin mo rin." Kumento ko sa sinabi ni Rona bago ako makatanggap ng kurot.

"Aray!" Sinamaan ko s'ya ng tingin at hinilot yung tagiliran ko.

Kasakit kaya ng kinukurot sa tagiliran.

"Apaka maldita mo talaga!" Pikon na sabi niya.

"Gan'yan talaga love language n'yong dalawa noh?" Kumento ni Maybs sa amin habang tumatawa.

"Tanga kasi 'to eh, naiinggit kay Rhiane." Natatawang sabi ko na may pang aasar.

"Ewan ko sayo! Hindi ka talaga makausap ng matino." Inirap n'ya ako bago bumalik sa kinakain n'ya.

Tumawa lang kaming lahat habang si Rona at Rhiane may sariling mundo. Kasama rin namin si Trina ngayon at mukang naging sandalan na naman siya ng pinsan ko.

Hindi ko talaga maiwasan malungkot para sa kaniya. Palagi n'ya nalang kino comfort si Rhiane tapos siya ayaw n'ya mag pa comfort. Ako tuloy yung nasaksaktan para sa kaniya.

Kahit papaano kasi ay magkaibigan parin kami ni Trina, hindi man n'ya ko nabigyan ng chance ay naiintindihan ko naman. Thankful pa nga ako kasi pinaliwanagan n'ya ko. She made me realize na si Karla talaga yung gusto ko.

Sobrang green flag ng babaeng 'to kaya kahit sino ay gugustuhin talaga s'ya.

Habang nakikipag daldalan ako sa mga kaibigan ko ay naramdaman ko na nag vibrate yung phone ko, kaya agad ko itong kinuha sa bulsa.

Pag bukas ko ng phone ay bumungad agad sa'kin ang picture ng maldita kong girlfriend.

Shet! Ganda naman ng girlfriend ko!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Shet! Ganda naman ng girlfriend ko!

Maganda naman ako pero mas maganda talaga s'ya. Walang kapantay yung ganda niya. Kahit palagi n'ya kong sinasadista ayus lang, ganun yata talaga love language n'ya.

Nakuha ko yung picture nung kumain kami sa labas. Nag iinarte pa siya jan pero kung titignan ay inaakit niya pa ako sa pose.

Jaan kasi s'ya magaling, mang-akit ng mga mahinang nilalang. Syempre ako yun, mahina pag dating sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Coldest MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon