Chapter 11

492 12 0
                                        

KATHERINE

"Ayus ka lang?" Tanong ni Trina sa'kin na nakaupo sa tabi ko ngayon.

"Yup" Sagot ko bago sumimsim sa iniinom kong mango shake.

Nasa cafeteria kasi kami kasama si Rona. Nag break muna kami dahil kakatapos lang ng practice namin about sa theater program. Napalitan kasi yung script kaya need namin i-practice yung iba.

Isang linggo narin simula nung nangyari yung sa hallway pero hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan.

I'm so confused. Pakiramdam ko iniiwasan rin ako ni Miss Clemente simula nung araw na 'yon.

Kagaya ng dati ay hindi niya na rin ako kinaka-usap at sobrang sungit niya narin sa'kin. Kahit kapag may practice kami ay ganun rin siya sa'kin.

She's giving me a cold shoulder again and it's fucking driving me crazy.

Ayoko na siyang isipin pero kusa siyang pumapasok sa isip ko.

Ugh! Nakaka inis.

"Sure ka ba na ayos ka Katherine? Muka kang lutang eh parang ikaw na si Rhiane." Narinig ko si Rona.

"Ayus lang ako, may iniisip lang ako." Sagot ko naman. Napatingin pa ako kay Trina.

Yung about naman sa pag yakap ko sa kaniya ay nag dahilan lang ako, muntik na akong umamin pero naisip ko na hindi pa sa ngayon. I will tell her, but not now. May gusto pa akong malaman bago ko gawin ang bagay na 'yon.

Napanatag ako nung naniwala siya sa palusot ko. Ayoko rin kasi magka-ilangan kami bigla dahil lang duon.

Kasi naman yung kaharutan ko hindi ko napigil.

"Tuloy ba yung plano mo?" Tanong ni Trina sa kan'ya.

"What plan?" Takang tumingin ako sa kanilang dalawa.

"Aamin na siya kay Rhiane na sila na ni Jacob"

"Sure kana ba talaga sa lalaking 'yon?" I asked Rona.

"Yes, nag bago na siya at alam ko this time totoo na talaga yung sa'min" She replied.

Hindi parin kasi ako palagay na naging boyfriend niya na yung ungas na 'yon. Mortal enemy niya tapos naging sila ngayon.

Is that even possible?

"Eh sa tingin mo papayag si Rhiane?" I asked.

"I don't know, bahala na. " Sagot niya at bumuntong hininga.

Gigil kasi yung pinsan ko sa boyfriend niya dahil naaalala n'ya na kasalanan ni Jacob kung bakit nahulog sa hagdanan si Rona nuong freshmen pa kami. They hate each other kaya hindi ko alam kung anong magiging reaction ng pinsan ko.

As for me, ayus lang naman. I don't like minding other people's business. I don't want to stress myself. Matanda na sila para mag desisyon sa buhay nila. Edi pag nasaktan sila, edi mag tiis sila. Ginusto nila yun eh.

Napag planuhan namin na pumunta nalang sa bar mamaya at isama si Rhiane para masabi na ni Rona yung about sa kanila ng boyfriend niya.

All of us will gonna be there except for Maybs kasi hindi naman siya mahilig sumama sa bar.

Pabalik na rin ako ng music room dahil may practice pa ulit kami. Si Rona humiwalay dahil sinundo ng boyfriend niya, tapos si Trina kasabay kong nag lalakad ngayon.

"Sasama kaya si Rhiane?" Tanong ni Trina.

"I'm not sure" Sagot ko.

Tumingin ako sa kan'ya, mukang malalim na naman yung iniisip niya.

The Coldest MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon