KARLA
"What took you so long?" Masama ang tingin na ipinukol ko kay Katherine nang maka baba siya ng kotse.
Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot yung tawag ko kaya nag init yung ulo ko.
Nag-lakad siya na parang model papunta sa'kin kaya mula ulo hanggang paa ko siyang tinignan.
She looks absolutely gorgeous! Her black one shoulder top and white trousers give her a chic and stylish look.
Kahit na mukang maladita sobrang pinagpala talaga sa kagandahan ang bebeng 'to.
Hihimatayin yata ako ako ganda niya.
"Sorry, traffic kasi Ma'am." Paliwanag niya nang makalapit sa'kin.
"When are you planning to stop addressing me formally? You know, it's irritating." May pag-irap kong sabi sa kaniya.
Naiinis kasi ako kapag puro siya Ma'am or Miss, pwede niya naman akong tawagin sa pangalan ko.
"Kapag hindi na kita prof." Sagot niya. Mukang hindi na siya natitinag sa kamalditahan ko.
"I'm not your professor anymore, I'm just your coach."
"Dami mo namang alam Ma'am, pati ba naman pag address ko sayo ikaw parin masusunod." Reklamo niya.
"Tsk, whatever." Tinalikuran ko siya.
"Where are you going?" She asked.
"Inside"
"Hindi pa ba tayo aalis?"
"Sasama si Nanay sa'tin." Tumigil ako sa pag lakad nang makita ko si nanay na lumabas ng bahay.
May dala siyang bag na may mga laman na damit at yung pasalubong namin kay lola.
She's planning to stay in the province for a while. May sakit kasi si lola at gusto niya siya yung mag alaga.
"Oh Katherine anak, nandito ka na pala." Masayang lumapit si nanay kay Katherine.
"Good morning po Nay." Bati niya kay nanay.
Agad niyang inabot ang kamay ni nanay at nag mano. Tinulungan niya rin si nanay mag buhat ng mga gamit sa kotse.
Napangiti ako dahil na realize ko na ang galang niya pala pag dating sa matanda. It's not my first time na nakita siyang nag mano kay nanay pero natutuwa ako sa tuwing ganon siya.
Kaya gustong gusto siya ni nanay kasi magalang na bata raw siya. She even asked me kung may gusto raw ba ako kay Katherine dahil madalas ko s'yang banggitin kay nanay.
Oh diba? Hindi ako nakaligtas sa hinala ng nanay ko. I'm so glad talaga dahil hindi homophobic si nanay.
Syempre hindi naman ako marunong mag deny pag dating kay nanay kaya wala rin akong nagawa kun'di sabihin sa kaniya.
I told her that I like Katherine pero binilinan ko siya na wag sabihin.
"Karla, tara na" Rinig kong tawag ni nanay sa'kin bago sumakay ng kotse.
Tumango ako at naglakad papunta sa passenger seat. Sa likod kasi pumuwesto si nanay and for sure hindi papayag ang maldita naming kasama na walang katabi.
Pagsakay ko sa kotse ay inabutan ko na nag dadaldalan agad yung dalawang kasama ko.
"Saan po tayo punta Nay?" Tanong ni Katherine kay Nanay.
Wow, kina-career ang pagiging anak. Pakasalan niya na kaya ako? Charrr.
"Sa Pampanga tayo Anak." Sagot ng ina ko.
BINABASA MO ANG
The Coldest Moon
RomanceKatherine Miranda Story ProfessorXStudent -Like the sky to the moon, I'm willing to embrace your coldness. GxG