Chapter 14

424 10 1
                                    

KATHERINE

Pakiramdam ko mamamatay na'ko sa kalandian ng dalawang kasama ko ngayon sa kotse. Naka upo lang naman kasi ako sa backseat habang nag kukunwari na natutulog. Yung mga kasama ko kasi ay lowkey na nag aaminan tapos sa pamamagitan ng pag kanta.

Jusko ba't hindi nalang nila sabihing mahal nila yung isa't isa..edi ayon tapos.

Daming alam!

Kanina lang para silang walang pakialam sa isa't isa tapos ngayon porket alam nila na tulog ako ay todo na silang ngumiti sa isa't isa.

Oh gosh!

Feeling ko may baon kaming antik dito sa loob ng kotse tapos ako lang yung inaatake.

Nag sisisi tuloy ako na sumama pa ako kay Rhiane na umuwi sa Hacienda sa Pampanga dahil ginawa n'ya akong third wheel sa kanila ni Miss Selene.

After ng nangyari kasi sa amin ni Miss Clemente sa bar at dun sa confession ko kay Trina ay iniwasan ko na muna silang parehas.

Hindi talaga ko nag pakita muna sa kanila at mas pinili kong sumama muna kila Rhiane. Nag sleep over kami sa bahay ni Rhiane kasama si Maybs at Rona tapos inaya n'ya akong mag umuwi sa Pampanga dahil wala naman kaming pasok.

Nakita niya pa akong umiiyak kaya nag dahilan nalang ako at sinabi ko na hiwalay na kami ni Allen. Totoo naman pero iniba ko yung reason dahil baka tapusin niya si Allen pag sinabi ko na nag cheat siya.

Kailangan ko kasi ng space kaya pumayag ako kay Rhiane, para makapag isip-isip rin dahil masyado na akong naguguluhan sa sarili ko.

If my feelings for Trina is just infatuation then what about Miss Clemente? I'm still confuse.

And it's hella driving me crazy.

Buong byahe ay natulog nalang ako dahil hindi ko kinakaya yung harutan ng mga kasama ko.

Mga ilang oras rin kaming nag byahe bago kami naka rating sa Hacienda.

"Welcome to Rancho Paraiso" Pangayang sabi ni Rhiane at pinag buksan ng pintuan si Miss Selene.

Pag-baba ko nang sasakyan ay nakita ko na wala paring pinag bago ang lugar. Maaliwalas at puro nature talaga ang makikita mo sa paligid.

Matagal na rin nung huli kaming pumunta dito kasama si Maybs at Rona. Yung ranch kasi na'to ay pag-aari ng mom ni Rhiane pero this time sa kaniya na nakapangalan.

Nauna akong pumunta sa mansyon dahil nag tatalo pa si Miss Selene at Rhiane tungkol na naman sa mga naging babae ni Rhiane.

Babaera kasi ang bruha. Halos hindi ko na yata mabilang kung ilan yung naka one night stand n'ya dahil last year ang dami talagang lumalapit sa kaniya.

Gosh! Sana all.

"Katherine Hija" Sinalubong ako ng isang ginang na may edad na rin ang itsura.

"Nay Lourdes" Naka ngiting lumapit ako para yakapin siya. Isa siya sa mga namamahala rito ngayon sa Hacienda.

"Kamusta kana anak? Mas lalo kang gumanda ngayon ah." Pag puri ni Nay Lourdes sa akin na bahagyang kinatawa ko.

"Ayus naman po Nay, ganun parin po."

"Nasaan si Heart?" Tanong ni Nay Lourdes sa akin bago tumingin sa likod ko.

"Nasa kotse pa po Nay, kinuha nila yung gamit."

Nakasanayan kasi nila na tawagin si Rhiane na Heart dito sa probinsya. It's her second name. Yun ang tawag ng mommy niya sa kaniya nung nabubuhay pa kaya lahat sila dito ay kilala siya bilang heart.

The Coldest MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon