Chapter 21

452 12 1
                                    

KATHERINE

Madiin ang pag yukom ko sa kamao ko nang makilala ko ang lalaking nag hihintay sa amin.

"Babe" Malawak ang ngiti nitong sinalubong si Karla at niyakap ng mahigpit.

"D-Dylan" Tumingin sa akin si Karla na siyang iniwasan ko naman. Binitawan ko yung kamay niya nang makita kong papalapit ang mga tita niya kasama si Nanay Helen.

Masama parehas ang tingin namin ni Dylan sa isa't isa dahil hindi maganda ang inkwentro namin nung huli kaming nag kita.

Ang kapal ng mukha talaga ng kambing na 'to. Sana sinabi niya na pupunta siya para napag handa ko siya ng tali at isinoga ko nalang sa bukid.

Ugh!!

"Oh Karla, kanina pa nag hihintay sayo 'tong boyfriend mo. Hindi namin alam na kayo parin pala hanggang ngayon." Pahayag ni tita Anna.

"Hindi mo nabanggit sa'kin ang tungkol dito anak." Si Nanay Helen na takang naka tingin kay Karla.

Pakiramdam ko nawala ako sa mood kaya nag paalam na lang ako na papasok na sa loob.

"Mauna na muna po ako sa loob." Paalam ko at hindi na sila hinintay magsalita.

Hindi ko mapigilan na masaktan kahit na alam ko yung totoo na wala na silang dalawa. They know him as her boyfriend kaya for sure mag tataka sila if mag react ako ng hindi maganda dahil nandito yung kambing na 'yon.

Pagpasok ko sa kwarto ay ini-lock ko agad ang pinto at nagmadaling pumunta sa higaan. Inis na kinuha ko yung unan at ibinuhos ang galit ko dito.

Pinaghahampas ko ito sa higaan habang iniisip si Dylan na mukang nag eenjoy ngayon sa labas.

That miserable creature!

He can't just show up here and ruin my moment with Karla. Sumama ako dito para masolo siya hindi para mamatay sa selos.

Nag kulong ako sa kwarto at hindi pinansin ang mga kumakatok sa pintuan. I know it's Karla pero ayoko munang maka usap ang kahit sino ngayon.

Pinatay ko yung ilaw since gabi na rin at natulog nalang ako. I'd rather stay in the room than to see her with that miserable creature.

Nagising ako dahil sa malakas na pag katok sa pintuan kaya agad akong bumangon upang buksan ito. Kinukusot ang matang sinalubong ko si Karla na naka tayo ngayon sa harapan ko.

"What's wrong with you?" She asked worriedly bago lumapit sa akin.

"Nothing" Tinalikuran ko siya at naglakad pabalik sa higaan.

Napatingin ako sa bintana at na-realize ko na umaga na pala. I sleep alone last night.

Narinig ko ang malalim na pag hugot ng hininga ni Karla at naglakad papunta sa higaan.

"You lock the door last night kaya natulog nalang ako sa kwarto ni Inang kasama si nanay." Sabi niya.

Hindi ako nag salita at tumayo lang para kumuha ng damit sa bag ko.

"Are you mad?" She asked.

"I'm not" Tanging sagot ko. Inabala ko ang sarili ko sa pg kuha ng damit na isusuot ko.

"Birthday ngayon ni Tita Anna kaya ipinaluto na rin yung mga gansa na sinabi mo kahapon."

Ede maganda. Nagkaroon ng katarungan yung tuhod ko na puro gasgas ngayon.

"Okay" Inilagay ko yung damit sa higaan.

"Something's wrong with y–"

"Babe, Tita Anna is looking for you." Biglang lumitaw si Dylan sa pintuan.

The Coldest MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon