Chapter 17

459 11 4
                                    

KATHERINE

"Hoy Katherine! Ikalma mo nga yang sarili mo." Suway ni Maybs sa akin habang kina-kaladkad niya ako sa hallway.

"That damn guy! I swear I'm gonna cut his fingers." Gigil na sabi ko habang nag lalakad sa hallway.

Nakita ko kasi yung lalaki na binabastos si Miss Clemente kaya napag init n'ya yung ulo ko.

Pupuntahan ko dapat kasi siya sa office niya para dalhan ng lunch pero nakita ko yung lalaki na pinipilit siyang hatakin.

Ayun tinulak ko palayo kay Ma'am, sinabihan pa'ko ng bitch kaya balak ko sanang paputukin yung nguso pero inawat ako ni Miss Clemente.

"Hayaan mo na, usap nilang mag ex 'yon. Wag ka nang makialam." Sabi ni Maybs.

"I don't care, hindi dapat n'ya pinipilit yung tao kung ayaw sumama sa kaniya. Ex na siya kaya wala na siyang karapatan kay Miss Clemente." Inis na sabi ko.

Ex niya pala yung lalaki kanina, ex fiance.

Nag-iinit talaga yung ulo ko dahil sa ginawa niya kay Miss Clemente. Ayoko sa lahat yung binabastos yung babae.

"Bakit ba gumaganyan ka? Nag seselos ka ba? " Huminto si Maybs at tinignan ako.

Napahinto naman ako at sinamaan siya ng tingin.

"At bakit naman ako mag seselos?"

Wala naman akong karapatang mag selos dahil walang kami.

Nag kiss kami pero yun lang. Walang label.

Saka hindi ako nag seselos noh. Duh!

"Eh kung magalit ka grabe na, hindi ka naman ganyan dati sa kaniya. Wala ka ngang pakialam sa paligid mo eh tapos ngayon parang iba kana."

Napalunok ako at nag iwas ng tingin kay Maybs.

Hindi ko rin maintindihan, naiinis lang kasi talaga ako.

Napapansin ko na simula nung nag kiss kami sa park parang naging sensitive na'ko pag dating sa kan'ya. Nag iinit yung ulo ko sa tuwing may mga lumalapit sa kaniya.

Napag usapan naman namin na wag munang madaliin yung sarili namin.

We want to take it slowly.

Yes, I'm giving her a chance dahil may nararamdaman na rin ako sa kan'ya.

I want to make myself better first dahil deserve niya ng better. Ayoko na isipin n'yang ginagamit ko lang siya.

"Si Rhiane ba 'yon?" Napatingin ako ng tuwid sa hallway at nakita ko si Rhiane.

Nakita ko rin si Trina na kakaalis lang. Mukang may pinag-usapan sila.

Kamusta na kaya s'ya?

Hindi ko parin kasi nakaka usap si Trina pero tingin ko ayus lang naman kami. We're still friends. Wala namang mag babago gaya ng sabi niya.

"Yanyan!" Sinigawan ni Maybs si Rhiane na mukang nag mamadali ngayon sa pag lakad sa hallway.

Huminto siya at mukang inis na nilingon kami ni Maybs kaya nag lakad kami papunta sa kan'ya.

Galit na naman siya sa mundo.

"Anong nangyari jan? " Tanong n'ya ng makalapit kami. Nakatingin siya sa'kin.

"Badtrip dun sa nambastos kay Miss Karla" Sagot naman ni Maybs na kina sama ng tingin ko sa kan'ya.

"Pasalamat siya pinigilan ako ni Miss Clemente kung hindi baka sumabog nguso n'ya" Inis na sabi ko.

The Coldest MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon