Chapter 12

535 15 8
                                        

KATHERINE

"You're late, Katherine" Salubong ng nanay ko sa akin habang naka kunot ang noo.

"Traffic" Tanging sagot ko lang.

Kasalukuyan kaming nasa isang resort dahil dahil dito ginanap ang birthday ng kapatid ni mom. Ayoko sanang sumama dahil masakit pa yung ulo ko dahil sa pag inom ko kagabi.

Other than that, I hate attending parties lalo na sa side ni mommy. Pinaglihi kasi yung family niya sa tupperware kaya nakaka irita. Feeling ko makikipag plastikan lang ako buong gabi dito.

Naisip ko rin na sana pala kay dad nalang ako sumama since may family dinner rin naman kasama sila Rhiane.

"Let's go kanina kapa nila hinihintay." Aya ni mommy sa'kin at hinila ako papasok sa loob.

Para tuloy akong batang nawawala habang hawak niya sa palapulsuhan.

Pag pasok namin sa loob ay nakita ko na marami ring bisita tonight. Bata parin kasi yung may birthday, twenty eight palang.

"Katherine!" Sinalubong agad ako ng yakap ng isang babae.

"Tita Cindy" Niyakap ko siga pabalik.

"Thanks naka punta ka! Mag tatampo sana ako kay Ate kung hindi ka niya sinama eh"

"Na late lang ako, by the way happy birthday" I smiled bago iabot sa kaniya yung regalo ko.

"Wow! I'm not expecting na ganito yung regalo mo." Hindi makapaniwala niyang kinuha sa'kin yung bag.

She's also a professor gaya nila Miss Clemente pero sa ibang school nga lang. Wala akong maisip na ireregalo sa kaniya kaya binilan ko nalang siya ng latest na apple laptop.

"Wala kasi akong maisip na gusto mo and I think makaka tulong sayo yan." Kamot ulo konga sabi.

"Ate grabe naman mag sayang ng pera 'tong anak mo." Sabi ni Tita Cindy kay mom.

"Normal lang yan sa kaniya, masyado kasing na spoiled ng dad niya." Sagot naman ni mommy at tumawa.

She's right, wala naman kasi akong pakialam sa pera. I have my own money na binigay ng grandparents namin nung buhay pa sila.

Lahat kami na apo ay nabigyan ng mana pero mas malaki nga lang yung kay Rhiane. Si dad naman binibigyan rin ako, but I don't really like it.

Gusto ko kasi pag-hirapan ko yung pera, yung namana ko sa grandparents ko ginamit ko rin sa business. May sarili akong coffee and flower shop na pinapa handle sa isa kong tita.

Gaya nang inaakala ko ay nakipag plastikan nga ako sa ibang kamag anak namin. Gusto ko ng umuwi pero si mom kanina pa ako pinipigilan. Pinakilala niya ko kung kani-kaninong mga business partner niya. Yung iba trip pa ako eh nga mukang gurang na jusko.

Lumayo nalang ako sa kanila at nag punta sa isang table na walang tao. Kumuha ako ng isang glass ng wine at uminom nalang habang pinapanood sila sa mga boring na discussions nila.

"Kath!" Nakita ko si Tita Cindy na palapit sa akin at may kasamang dalawang babae.

"Why?" I asked when they finally reached my table.

"What are you doing here? Aren't you enjoying the party? " Tanong ni Tita Cindy sa'kin.

"I want to be alone Tita."

"Hindi ka parin nag bago, napaka tamihik mo parin." She chuckled.

Napansin ko na naka tingin yung dalawa niyang kasama sa'kin. Nag bubulungan sila na parang ewan.

"What do you need ba Tita?" I asked at ibinaling ang tingin sa kaniya.

"Stop calling me Tita, Katherine. Limang taon lang ang tanda ko sayo jusmiyo." Sagot niya sa'kin na parang na stress pa.

The Coldest MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon