Chapter 5

496 12 4
                                    

KATHERINE

"Sure kana talaga na ayaw mo na mag cheerleader?" Tanong ni Rona sa'kin habang naglalakad kami palabas ng gym.

"Ayoko na, ikaw na bahalang mag lead sa kanila." Bored na sagot ko.

Nag quit na kasi ako today sa cheerleading squad dahil sumama ako sa women's volleyball team. Sinabi sa'kin ni dad na kailangan nila ng bagong member at qualified raw ako.

Marunong naman talaga ako, mas pinili ko lang dati na mag cheerleader dahil kasama ko si Rona pero ngayon gusto ko muna mag sarili.

"Eh pano si Allen? Hindi ba siya mag tatampo?"

"I'll talk to him and wala rin naman siyang magagawa kung ayaw ko na." Huminto ako para hintayin siya.

Ang bagal kasi mag-lakad ni gaga.

Yung about sa amin ni Allen, hindi ako sigurado kung ano talaga. Merong kami na parang wala. Masyado siyang busy sa buhay niya dahil masyado niyang mahal yung pag babasketball niya. Mabait naman siya at mas interesting kesa kay Bryan na balahura ang bibig.

Wala talaga akong feelings sa kaniya kagaya ng meron ako kay Trina. Sinagot ko lang naman siya para pag selosin si Trina dahil mag-kaibigan sila pero yung ending walang effect.

Si Rhiane parin yung gusto.

Iumpog ko yata 'yon para makita n'ya na ako yung nandito eh.

Gusto ko ring sabihin kay Rona yung tungkol sa feelings ko kay Trina pero baka kasi madulas pa siya kay Rhiane. Napaka daldal pa naman ng isang 'to.

Hayaan ko muna siguro, may tamang time para sabihin sa kanila ang lahat, pero yung feelings ko kay Trina habang buhay ko ng itatago kay Rhiane.

"Kath?" Bumalik ako sa sarili ko nung maring ko si Rona.

"What?" Tumingin ako sa kaniya dahil parang may gusto siyang sabihin.

"Anak naman ng buwan! Parehas kayo ni Rhiane, hindi kayo maka-usap ng maayos." Napahilamos siya sa muka niya.

Gusto kong matawa dahil muka na naman siyang stress.

She's one my best circle, Rona De Guzman. Ang pinaka madaldal sa aming magkakaibigan. Mas close kami kasi palagi kaming magkasama. Habang si Rhiane at Maybs mas close kasi parehas silang SSC members.

Gusto ko rin sana humabol ng ganon dahil kay dad kaso naalala ko na tamad nga pala ako.

Bawi nalang next life.

"Akala ko si Rhiane lang ang lutang pati pala ikaw, mag pinsan nga talaga kayo." I heard her sighed.

"I'm not like her, she's a cry baby." I rolled my eyes.

"Eh ikaw ano? Yelo?...giniginaw ako sa lamig ng ugali mo, siguro kapatid ka talaga ni Elsa?" Pambabara ni gaga at tumawa pa.

Napa facepalm nalang ako dahil sumasakit na naman ang ulo ko sa babaeng 'to. Siya kasi talaga ang puro kalokohan ang alam sa aming mag kakaibigan, kaya pati ako minsan nahahawa na.

"Mag lunch nalang tayo" Aya ko bago lumiko ng direksyon.

"Eh sila Maybs?"

"Call them, I'm not their mom para sunduin ko pa sila sa room." Sabi ko bago binilisan ang lakad. Tinawagan niya naman yung dalawa at sinabing mag kita nalang kami sa cafeteria.

Ilang araw na rin nung nag umpisa yung klase pero parang wala paring pinagbago, magulo pa rin yung cafeteria dahil maraming freshmen this year.

I can't wait na maka graduate dahil naiirita na ako sa mga itsura nila. Puro kayabangan eh puro tres naman yung grades.

The Coldest MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon