Chapter 15

477 12 1
                                    

KATHERINE

I stretched my body before bending down to fix my shoelaces. I also fixed my jersey before making my way towards my teammates.

Yung iba kong teammates nag wa-warm up tapos yung iba nag aayos na rin.

Sandaling tumingin ako sa paligid upang hanapin si dad pero nakita ko na wala pa rin siya. Baka sinunod niya si mommy.

Nag promise kasi siya na manonod sila ni mommy ng laro ko tonight kaya parang ginanahan rin ako.

Sinundo ako ni dad kanina sa hacienda tapos hinatid niya ako dito sa university. Sa West Hill raw kasi gaganapin ang laban dahil mas maluwag ang gym namin.

Bago naman ako sunduin ni dad kanina ay naglibot muna kami ni Raver sa buong Hacienda. Sinulit ko na rin dahil baka matagalan na naman ang balik namin.

Hindi ko na rin nagawang magpaalam kay Rhiane kanina dahil nag libot sila ni Miss Selene gamit yung bago n'yang kabayo.

Tama, wala silang ginawa kun'di mag harutan at sulitin ang buong bakasyon sa hacienda.

Nag bilin nalang ako kila Nay Lourdes na sabihin sa kaniya na sinundo ako ni dad dahil baka hanapin n'ya ako.

It's already 7:30pm and I think magsisimula ang laro ng 8pm.

Medyo mahaba pa naman ang oras kaya nag practice nalang muna kami.

We need to win this game, lalo na at kalaban namin ang Horizon Academy.

Isa sa mga pinaka ayaw kong school dahil duon nag aaral yung mortal kong karibal kay Trina dati. Siguro rin ako na mag yayabang siya kahit hindi niya ako kilala.

"Jana" Tawag ko sa isa kong ka teammate.

"Yes cap?" Lumapit siya sa'kin.

"Anong cap? Hindi naman ako yung captain." Takang tumingin ako sa kaniya.

"Di mo alam? Ikaw yung bagong captain namin sabi ni Miss Clemente."

Napa awang ang bibig ko at hindi maka paniwalang tumingin kay Jana.

Wtf? Kelan pa?

Narinig ko siyang tumawa bago niya iangat ang baba ko para isara ang bibig ko.

"Grabe ka pala na gulat" Natatawang sabi niya.

"Kailan pa?" Tanong ko.

"Anong kailan?"

"Kailan pa sinabi ni Miss Clemente na ako yung bagong captain?" Paglilinaw kong tanong.

"Kanina" Sagot niya.

Kanina? So nandito na pala siya kanina pa?

Mabilis akong lumingon sa paligid upang hanapin siya pero hindi mahagip ng mata ko si Miss Clemente.

Bakit hindi ko siya nakita kanina? Eh mula kanina kasama ko yung mga teammates ko.

"Got someone specific in mind that you're trying to track down?"

"Ayy! Potang—" Napatakip ako sa bibig ko nang makita kong naka tayo sa likod ko si Miss Clemente.

"What?" Naka halukipkip siyang masama ang tingin ngayon sa'kin.

"W-wala man." Madiin akong lumunok.

"Bakit ngayon ka lang nag pakita? Where the hell have you been? Alam mo na napaka halaga nito tapos hindi mo man lang sineryoso. And why do I feel like you're avoiding me? Don't you know how to act professional, Miss Miranda?" Maya't maya niyang tanong habang masama ang tingin sa akin.

The Coldest MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon