Chapter 23

893 20 7
                                        

KATHERINE

"Karla, ayus ka lang ba talaga?"

Tinakpan ko ang bibig ko habang pinipigilan ang pag-tawa ng malakas ng marinig ko ang sinabi ni nanay Helen kay Karla. Tumingin ako sa kaniya at madiin na pinagdikit ang mga labi ko.

Kulang nalang bigyan siya ng wheelchair dahil sa lagay niya ngayon.

"O-oo..Nay, ayus lang ako." Pinilit niyang ngumiti kay nanay Helen bago umiikang nag-lakad papunta sa pintuan ng kotse.

Binalingan niya rin ako ng masamang tingin dahil nakita niya na pinipigil ko ang tawa ko. Agad naman akong tumikhim at iniwasan s'ya ng tingin.

Maangas dapat Katherine.

Naglakad ako papunta kay nanay Helen para kuhanin yung mga gamit namin at binuhat para ilagay sa backseat.

Babalik na kasi kami ng Manila at kaming dalawa lang. Nag papaiwan kasi si nanay Helen, aalagaan niya muna daw si Inang.

"Bakit ba kasi sa kubo pa kayo natulog ni Katherine kagabi? Ayan tuloy puro ka kagat ng lamok jaan sa leeg mo tapos hindi ka makalakad ng maayos ngayon dahil sa pagkadapa mo na sinabi mo." Pagsermon ni nanay kay Karla.

Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa mga sinabi ni nanay pero si Karla binabantaan ako ng matatalim na tingin. Namumula rin siyang nag iwas ng tingin kay nanay.

Nagulat kasi sila nung nakita nila na puro kiss mark yung leeg ni Karla. Nag palusot lang kami dahil hindi namin masabi na may nangyari sa'min. Sinabi niya rin na nadapa siya nung palabas ng kubo. Ayaw pa nilang maniwala pero pinilit namin.

Gusto ko sanang sabihin kay nanay na ako yung lamok na kumagat sa kaniya at ang dahilan kung bakit hindi siya malakad pero baka tamaan ako sa girlfriend ko.

Kahit ako ay hindi makapaniwala na nagawa ko sa kaniya 'yon. Inabot na kami ng alas singko ng umaga dahil hindi ko siya tinantanan. Kung tutuusin dapat agad akong napagod dahil naka inom ako pero kung bibilangin ko ay sa tingin ko sampung oras kaming gumawa ng kababalaghan.

Oh gosh ako ba 'yon?

Hindi ko napigilan yung sarili ko, ang sarap niya kasing mahalin. I just can't get enough of her. Everything about her is so addictive. Sarap pang gigilan.

Buti nalang talaga girlfriend ko na siya.

"What's funny?" Gulat akong tumingin kay Karla na naka tayo ngayon sa harapan ko. Salubong na nakataas ang mga kilay niya habang naka halukipkip.

"W-wala" Lumunok ako at inayos ang sarili ko. Tumingin rin ako sa paligid at nakita kong wala na si Nanay Helen.

"Where's nanay?" I asked.

"She's already inside, we keep calling you but you're so busy minding your own world."

"Oh" Bumilog ang bibig ko at tumango sa kaniya.

"What were you thinking earlier?" She asked.

"N-nothing" Mabilis akong umiling.

Syempre hindi ko sasabihin na tuwang-tuwa akong nilumpo siya dahil sigurado akong sasadistahin na naman ako ng babaeng 'to.

Pinaramdam ko lang kasi sa kaniya na mas magaling ako sa kambing na 'yon at syempre ganting api na rin. Akala n'ya yata nakalimutan ko na pinahabol niya 'ko sa gansa.

Punyetang gansa 'yan, hindi ko na yata makakalimutan yung sama ng loob ko.

"It's clear that you are satisfied, because I’m barely able to walk due to all the injuries you’ve caused me" Inirapan niya ako.

The Coldest MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon