KATHERINE
1 Week Before Class
Malalakas na alon at ugong ng hangin ang siyang naririnig ko habang nakatanaw sa walang hanggang dagat.
Lahat ng tao ay nabibighani sa magandang pag lubog ng malaking araw, maliban sa akin na kahit kailan ay hindi magawang maibigan ito.
Maybe because no matter how beautiful the sunset is, it's always signifies the end.
And I hate endings, lalo na kung wala namang naging simula.
People say you fall in love, but fall is such a sad word when you think about it. Falls are never good. You fall on the ground, you fall behind and fall in love with someone who's not meant for you.
Ang kasalukuyang marahan na pag lubog ng araw sa karagatan ay siya ring kasabay ng pag lubog ng pag-asa ng taong kasama ko ngayon na naka upo sa harapan ng dagat.
Ramdam ko ang matinding pagka dismaya sa bawat mabibigat na buntong hiningang pinakakawalan niya. Habang walang sawang pina-aagos naman ang alak sa kaniyang lalamunan.
I feel her.
Being in love with someone who can't be yours.
Yung tipong ikaw yung nanjaan pero hindi ka makita.
"Trina.."
Unti-unti siyang humarap sa akin dala ang mga mata niyang punong puno ng sakit na matagal niya ng itinatago.
"I-I't hurts Katherine." Hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing ganito yung ekspresyon na binibigay niya sa akin.
Gusto kong gawin ang lahat para mapagaan ang loob niya pero wala akong magawa, kun'di ang masaktan rin kagaya niya.
"Bakit ba kasi hindi mo subukan na aminin sa kaniya na gusto mo siya?"
Gusto kong maging makasarili pero mas iniisip ko yung nararamdaman niya.
"I can't Katherine." Marahan siyang umiling. "She's still in love with Amaris and I know she'll always do."
The way she's shaking her head makes me want to wrap my arms around her tightly. I want to tell her that I'm here for her.
Bakit kasi hindi nalang ako Trina?
"She won't know unless you find the courage to step out of the shadows and confess your feelings for her."
"I'm not yet ready" She said, sabay punas sa luha.
I hate seeing her crying because of my cousin, pero hindi ko rin naman pwedeng sisihin ang pinsan ko dahil wala siyang alam sa nangyayari.
They're both going through a lot of pain because of the people they care about.
Matagal na siyang may gusto sa pinsan ko pero kagaya ko ay naduduwag rin siyang umamin.
Naiintindihan ko rin naman siya, mahirap itaya kung anong meron kayo ngayon dahil baka lahat ay masayang.
Pero sabi nila, minsan kailangan mong sumugal para malaman mo kung hanggang saan ka aasa.
It's better to fuck up than to live your entire life and have nothing to happen at all.
Hayy nako, nakaka ewan ang buhay.
Tumingin ako kay Trina na patuloy parin ang pag buntong hininga habang iniinom ang alak na hawak niya.
I want to stop her because it's not good for her to drink lalo na at may sakit siya pero sa kabilang banda ay alam kong kailangan niya 'to para mailabas ang sakit na nararamdaman niya.

BINABASA MO ANG
The Coldest Moon
RomanceKatherine Miranda Story ProfessorXStudent -Like the sky to the moon, I'm willing to embrace your coldness. GxG