Chapter 1

1.2K 19 1
                                    

KARLA

"Class Dismissed." Seryosong saad ko sa mga estudyante ko.

Kakatapos lang ng morning class ko sa 3rd year architecture, kailangan ko naman pumunta sa 4th year dahil nagpa cover sa'kin ng klase ang kaibigan kong si Selene. She can't attend her class today dahil may pinapaasikaso ang dean sa kaniya.

Nagligpit na ako ng mga gamit ko at lumabas ng room para nag tungo sa susunod kong klase.

Pagkarating ko ay naabutan ko ang mga estudyante na abala sa kan'ya kan'ya nilang chismisan.

Wala namang bago, mga chismosa lang talaga ang mga tao sa mundong ito.

"Good morning" Bati ko sa kanila bago nag-lakad papunta sa table sa harapan.

Nakita kong nagsi-tahimik silang lahat at bumalik sa mga upuan nila. Some of them already know me already dahil naging estudyante ko sila last year. Kilala nila akong terror na teacher kaya alam nila yung isang sabi ko.

"Good morning Miss Clemente." They greet me back, I just nodded in respond.

"Ako ang mag-babantay sa inyo  today dahil may inasikaso si Selene, but don't worry she just want you guys to continue your plates." Saad ko sa kanila. Tumango naman ang mga ito at nagpatuloy sa mga plates nila.

Wala rin naman akong masabi sa mga estudyante na'to, all of them are smart. Walang gustong magpahuli sa kanila. I think sila ang pinaka best section na nahawakan ko.

Gusto ko sana na ako nalang ang humawak ulit sa kanila pero si Selene na epal inagaw dahil nag request siya sa dean na siya ang hahawak sa 4th year. Palibhasa may balak siyang landiin sa section na 'to kaya pinagana niya yung pagiging malakas kay dean.

Umupo ako sa harapan at ibinukas ang laptop ko para ituloy ang pag encode ng mga pangalan ng estudyante ko sa 3rd year. Hindi ko pa kasi na tapos gawa ng marami rin akong ginagawa.

Nang marinig ko ang bell ay tumayo ako para sandaling ikutin ng tingin ang buong classroom.

Ganon na lang ang pagtataka ko nang hindi ko makita ang isang babaeng madalas hanapin ng paningin ko. She's not here today.

Absent ba siya? But as far as I  know she never skip her classes.

Mag-sasalita na sana ako pero may biglang kumatok at kasabay nuon ang pag-bukas ng pintuan.

A blonde intimidating woman entered the classroom, carrying her usual poker face.

Napahinga ako ng malalim at sinundan siya ng tingin.

"Sorry I'm late" She coldly said before going to her seat.

She's still the same. Kasing lamig parin siya ng yelo.

"You're already aware that I hate late comers Miss Miranda." I looked at her.

Matamang tumingin naman siya sa'kin. "I know Miss Clemente, but  I'm not aware that you're my instructor today." May kamalditahang sagot niya.

Napayukom ako sa kamao ko at sinuklian siya ng pag-irap.

I'm used to it, maldita talaga siya and we're both giving each other a cold shoulder. I'm not really that cold person, I just need to act one and that's because of her.

I know it's not right, but I always find her interesting. Simula nung naging estudyante ko siya last year ay hindi na nawala ang pag tingin ko sa kaniya. I always watch her secretly dahil hanggang duon lang ako.

I'm her professor and she's too much for me. Other than that, it's really hard to get her attention.

Feeling ko hindi kami bagay, especially that she came from a wealthy family.

The Coldest MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon