Day 2.2

463 51 8
                                    

(Phone conversation) 

11:02 AM 

Magnus:
(Chuckles) 'Wag mong ibababa, please... (Chuckles)
Hello, Madame Jelena? 

Jelena:
(Irritated) Ano? Bakit ka tumatawag? If this is about what I said sa GC--

Magnus:
Defensive mo naman, Ma'am. (Chuckles) Hindi tungkol do'n. 

Jelena:
(Sighs) Okay. Buti hindi tungkol do'n dahil naiinis pa rin ako. 

Magnus:
Halata nga. (Chuckles) 

Jelena:
Quit chuckling, idiot! 

Magnus:
(Clears throat) (Light tone) Okay. Hindi na. Ano pa gusto mong itigil ko? 

Jelena:
(Low growl) Don't flirt with me. 

Magnus:
Bintang 'yan, Miss Perdis. Hindi kita pini-flirt. Gusto mo i-flirt kita para makita mo difference? 

Jelena:
Shut up. 

Magnus:
Pero tumawag ako. Pa'no ako makikipag-usap kung sa-shut up ako? 

Jelena:
(Low growl) (Sighs) What is it nga? 

Magnus:
Pa'no tayo bukas? Sa'n tayo magkikita? Pupunta ba 'ko sa inyo? 

Jelena:
(Suspicious) Bakit option 'yong pupunta ka sa amin? 

Magnus:
Kasi kung pupunta ka sa office para daanan ako, tutuksuhin ka ng Banal at masisira ang mood mo. 

Jelena:
(Pause) Well... yeah. That could happen. 

Magnus:
Gano'n talaga mangyayari. Masisira mood mo 'tapos susungitan mo 'ko maghapon. 

Jelena:
(Whispers) Deserve mo naman sungitan. Hmp. 

Magnus:
Kahit mabait ako ngayon, deserve ko sungitan? 

Jelena:
What do you even mean?

Magnus:
I'm being nice, Miss. 

Jelena:
Magkaiba siguro tayo ng definition ng nice.

Magnus:
At ng flirting. (Chuckles)

Jelena:
(Low growl) I'm frustrated with you! 

Magnus:
Bakit sa 'kin? Hindi ba kay Rossa? 

Jelena:
Yeah, and kay Rossa din! Can't you see she's playing cupid?

Magnus:
Ano naman? 

Jelena:
And you're just letting her? 

Magnus:
Pa'no ko naman pipigilan kaibigan mo? Kung ikaw nga na kaibigan 'di mo mapigilan, eh 'di lalo naman ako. 

Jelena:
(Low growl) I hate it that you have a point. 

Magnus:
Dami mo namang hate at iritasyon sa 'kin. 

Jelena:
Marami talaga! If i-enumerate ko lahat, we'd take all day and all night!

Magnus:
Hmm. Init nga ng ulo mo. Pero kahit mainit ulo mo, kailangan tayo bukas. Kaya pa'no tayo bukas? 

Jelena:
(Sighs) Puwede bang 'wag kang pumunta? 

Magnus:
'Pag 'di ako pumunta pero pinilit pa rin akong mag-coordinate ng event, mahihirapan ako, magtatampo siya sa 'kin, magugulo ang kasal... Daming consequence, Miss. Pass. 

Jelena:
But tomorrow, may client's meeting din ako before 'yong lunch. Makioras kung babalikan kita sa Roseville. 

Magnus:
Ah, gano'n ba? (Pause) Anong oras meeting mo? 

Jelena:
Ten in the morning. 

Magnus:
Tight nga oras. 

Jelena:
Yeah. So I'd just tell Rossa na hindi tayo puwedeng magsabay. May meeting ka rin, 'di ba? 

Magnus:
Wala na. Nag-reschedule ako. Samahan na lang kita sa meeting mo. 

Jelena:
And you'll wait where? Hindi kita puwedeng isama sa meeting sa client! Babae 'yon! 

Magnus:
(Clears throat) Ah, gano'n ba? Maghihintay ako sa kotse mo. 

Jelena:
(Sighs) Wala akong takas, 'no? 

Magnus:
Wala kang takas sa 'kin. 

(Silence) 

Jelena:
(Low growl) Dadaanan kita ng 9:00 a.m. sa 7-eleven malapit sa Rodriguez. Kahit ma-late ka lang ng isang segundo, aalis ako nang wala ka.

Magnus:
8:50 pa lang, nando'n na 'ko, Miss. (Pause) Pero bakit sa Rodriguez? Mas malapit sa inyo 'yong kina Pretty. 

Jelena:
Machi-chismis tayo! 

Magnus:
Nasa chismis na tayo ngayon. 

Jelena:
(Gasps) Totoo? 

Magnus:
Oo. Kaya kung ang dahilan mo para umikot ay 'yong chismis, may chismis na. 'Wag ka nang magsayang ng gas. 

Jelena:
Kahit na. Sa Rodriguez pa rin. 

Magnus:
O sige, ikaw bahala. 

Jelena:
Now that it's settled, let's hang up. 

Magnus:
Sige, Miss. 'Wag na init ulo... (Clears throat) Miss. 

Jelena:
(Sighs) I have to go. 

Magnus:
See you. 

Call cut. 

Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon