14 years ago - Day 12.2

962 61 14
                                    

(Group text message) 

From Carlo:
san ka nagpunta, Magnus?
gitna ng game, umaalis ka. 
natalo tuloy tayo. 

Panda:
madaling-madali e
nasira pa short nya kanina
pagsabit sa mesa sa comp shop haha

Tibet:
date ba kayo aika? 

Silas:
bat aika e di nga raw nya crush? haha

Tibet:
parang imposible naman yung jelena
di namamansin yun e haha

Magnus:
seryoso lang si jelena
di naman sa di namamansin 

Gary:
pinagtatanggol mo agad boy a
crush na crush mo ba? 

Liam:
date mo jelena, magnus? 

Magnus:
hindi 

Pao:
kita ko yan kanina sa may terminal
bago na short tapos nagbasa buhok hahah

Magnus:
gago
nakita mo pa pala haha

Pao:
naka brush up kulot mo e 
hahaha

Pao:
nag-toothbrush din yata haha

Magnus:
daldal mo boy hahahaha

Pao:
lakad paguwapo sya eh

Rene:
kita ko yan kanina sa botika lapit samin
kasama jelena 

Liam:
nakanaks
may usad ba? 

Silas:
bilis mo naman magnus hahaha

Rene:
bilis lang din nila sa botika

Carlo:
umalis ka gitna ng game para sa babae?

Carlo: 
iba ka magka-crush boy haha 

Magnus:
wala naman ako mapapala sa inyo
di naman ako kikiligin sa inyo hahaha

Vernon:
kinilig ka? may usad nga? haha 

Magnus:
wala
nagpatulong lang jelena kanina

Magnus:
bait ko, tinulungan ko 

Liam:
sus
papapogi ka lang 

Vernon:
napogian nga kaya? hahahaha

Magnus:
hahaha 

Rohan:
Ganda tawa mo
Ako nagbayad pancit canton mo kanina

Rohan:
Siningil ako ni Mang Turing pagkakita sakin
Di ka raw nagbayad ng canton na kinakain mo

Magnus:
hahahaha
oo nga pala
nakalimutan ko 

Rohan:
Gago ka

Magnus:
hahaha 

Silas: 
dami lang tawa ni magnus boy
pero parang walang usad

Silas:
di nagyayabang e hahaha

Vernon:
sayang pagpalit mong shorts a hahaha

Liam:
sayang pag-toothbrush hahaha

Pao:
pag binasted ka na ni jelena, sabihan mo kami
para umusad yung pila haha

Magnus:
wag na kayo pumila
babakuran ko sya
hanggang ako na magustuhan hahaha

Carlo:
damot mo

Pao:
lala mo boy haha

Liam:
wow umaasa hahaha

Silas:
tunog basted sa susunod haha

Rohan:
Tumawid ka rito sa bahay at magbayad ng pancit canton 

Magnus:
pangit mo rohan  hahaha

Rohan:
Wala akong paki haha

Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon