14 years ago - Day 206.1

276 29 1
                                    

(Text message) 

Jelena:
[07:13 pm]
Hi, Magnus. Nasa bahay ka raw kanina.
Sorry kung wala kang inabutan. Umalis
kasi kami ni Lola. 

Jelena:
Inabot sakin ni Aling Susan yung 
gift para sakin na iniwan mo
sa tindahan nila. Nabuksan ko na rin. 

Jelena:
[07:14 pm]
Thank you sa book. Sobrang nagustuhan ko.
Kaso, mahal to, di ba? Kasi itinanong ko to
sa book store. Masyadong mahal yung regalo mo...

Jelena:
[07:15 pm]
Gusto ko sanang ibalik kaso... gusto ko talaga
tong libro. :<

Magnus:
[07:16 pm]
hello, jela. sorry, di agad ako naka-reply.
naglilinis kasi ako ng kotse nina tito. 

Magnus:
wag mo na ibalik yung book.
gift ko naman yan sayo. 
hindi ba masama magbalik
ng gift? 

Jelena:
[07:18 pm]
Sorry, naistorbo pa yata kita sa
ginagawa mo. 

Magnus:
[07:18 pm]
di naman. ayos lang. 

Jelena:
[07:19 pm]
Masama bang magbalik ng 
ibinigay na gift? 

Magnus:
[07:19 pm]
masama yun. kaya wag mo
na ibalik 

Jelena:
[07:20 pm]
Ayoko nga rin kasi gusto ko
tong book. Ngayon lang ako
naregaluhan ng libro. 

Magnus:
[07:21 pm]
talaga? ako pala una. :>

Jelena:
[07:21 pm]
Oo. Ikaw ang una. :> 

Magnus:
[07:23 pm]
ano ba karaniwan natatanggap
mong regalo pag birthday mo? 

Jelena:
[07:25 pm]
Hindi ako madalas makatanggap
ng regalo. Na okay lang naman. 
Yung mga tito at tita ko na nagkupkop
sakin dati, may mga pamilya sila
at hindi rin naman sila mayaman. 

Jelena:
Kapag nabibigyan naman ako 
ng regalo... usually damit o gamit
sa school. Sapatos din minsan,
nakatanggap ako. 

Jelena:
Mahilig ako sa books pero hindi
ako makabili. Kaya thank you 
sa gift mo. :>

Magnus:
[07:26 pm]
buti na lang pala, yan ang binili ko. haha

...

Jelena:
[07:31 pm]
Bakit pala libro ang iniregalo mo sakin? 

...

Magnus:
[07:35 pm] 
naisip ko lang na baka mahilig ka sa libro. 
sorry pero sinundan kita minsan nung
bumili ako ng barbecue sa malapit sa inyo.
nagpunta ka sa public library. 

... 

Jelena:
[07:38 pm]
Dahil lang dun, nalaman mo nang mahilig
ako sa books? What if nagpunta lang ako
run kasi may kakausapin ako o dahil
sa iba pang bagay? 

...

Magnus:
[07:40 pm]
sorry uli pero medyo pinanood kitang 
magbasa. curious ako kung bakit 
nandun ka eh. 

Jelena:
[07:41 pm]
Oh. Bakit hindi mo ko nilapitan?
Pwede mo naman akong tanungin
mismo o kausapin. 

Magnus:
[07:44 pm]
nahiya ako. mukhang busy ka kasi
sa pagbabasa. ayoko namang istorbohin
yung alone time mo. 

... 

Jelena:
[07:44 pm]
:>

Jelena:
[07:45 pm]
Sorry, nauna ma-send yung emoticon. 
Natuwa lang ako sa sinabi mo. Totoong
oras ko yun para sa sarili ko. Nagpaalam
lang ako kay Lola para sa araw na yun. 

Magnus:
[07:46 pm]
mahigpit ba lola mo? 

Jelena:
[07:47 pm]
Medyo lang. Babae kasi ako, tapos nasa
bagong lugar kami. Saka sakitin na kasi 
siya kaya ayoko rin syang iwan-iwanan. 

Magnus:
[07:48 pm]
bait mo naman. swerte sayo ng lola mo. 

Jelena:
[07:49 pm]
Hindi ah. Mas maswerte ako sa lola ko. 
Kasi kahit matanda na siya, sinusuportahan
niya pa rin ako. Kahit nahihirapan siya,
ginagawa niya lahat ng pwede niyang
gawin para sakin. Para makapag-aral
ako at maabot ko ang pangarap ko. 

Magnus:
[07:51 pm]
swerte nyo sa isa't isa. mukhang mahal
na mahal mo lola mo. 

Jelena:
[07:52 pm]
Oo. Mahal na mahal ko si Lola. Gusto 
kong maging successful para sa kanya.
Marami akong gustong gawin para sa kanya. 

... 

Jelena:
[07:53 pm]
Uhm, random lang to pero pwede ka 
pa bang kumain ng ice cream nang 
ganitong oras? 

Magnus:
[07:54 pm]
ha? oo. bakit? 

Jelena:
[07:55 pm]
Okay na ba yung chocolate ice cream? 

Magnus:
oo. bakit? 

Jelena:
[07:56 pm]
Sige. Wait lang. 

... 

Magnus:
[08:00 pm]
wait ng ano? 

Magnus:
[08:01 pm]
jela? 

Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon