(Text message)
Jelena:
Hi, Magnus! Belated Merry Christmas!
Sorry kung late na kong bumati. Wala
kasi akong load nung Christmas.Magnus:
hi. okay lang. buti may load ka ngayon?Jelena:
Yes, meron ngayon kasi pina-load ako
ng Tita ko. Bumati kasi sila sakin nung 21
pero hindi rin ako naka-reply. Tinawagan
ako kanina tapos nalaman na wala
kaming load ni Lola mula nung nakaraan
kaya pina-load ako.Magnus:
bumati nung 21? para sa christmas?
ang aga nun ah.Jelena:
Ah, hindi Christmas greeting nung 21.
Birthday greeting.Magnus:
sinong may birthday nung 21?Jelena:
Ako. :)...
Magnus:
belated happy birthday!
di ka nag-imbita ah. hahaJelena:
Wala naman kaming handa nun.
Bumili lang kami ng maliit na tub ng pansit.
Tapos kumain kami ng cupcake ni Lola.Jelena:
Medyo nagtitipid kami eh. Itinabi ko yung pera namin
para sa gamot ni Lola. Medyo sakitin na kasi siya.Magnus:
sayang. kung nalaman ko agad, nilibre na lang sana kita.Jelena:
Ayoko naman na nagpapalibre. Nakakahiya naman yun.Magnus:
kahit gusto ko?Jelena:
Alam kong mabait ka saka natulungan mo na ko
nang ilang beses... pero nakakahiya pa ring ilibre.Magnus:
ano na lang gusto mong regalo?Jelena:
Wala. Okay lang naman ako. :)Magnus:
ang tindi ah. nahihiya ka rin bang magparegalo?Jelena:
Medyo. Pero wala rin talaga akong maisip ngayon.Magnus:
pwede kong malaman kapag may bigla kang naisip? :)...
Jelena:
Mahihiya ako for sure. Kaya hindi na lang. :<Magnus:
ah. sige, di na kita kukulitin. haha.Magnus:
belated happy birthday uli, jela!Jelena:
Thank you....
Jelena:
Tapos, may mga ginagawa kasi ako today.
Nag-text lang ako para bumati rin. Thank you
sa greetings, Magnus. Have a nice day!Magnus:
sige. have a nice day rin!
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)
RandomAng sabi ni Jelena, galit siya kay Magnus. Ang sabi ni Magnus, galit din daw siya kay Jelena. Ang sabi ng mga taga-Roseville, tuwing magkikita ang dalawa, parang may dadanak na dugo. Pero iba ang sabi ng past. Ang sabi ng past, patay na patay sila...