14 years ago - Day 206.3

378 49 24
                                    

(Text message) 

Val:
[08:35 pm]
Di pa tunaw yan, par ah. 
Ang bilis ng takbo ko para lang
makarating agad sayo yang ice cream. 

Magnus:
[08:36 pm]
gulat ako pagkatok mo sa bahay.
di ko alam na kilala mo na si jela. 

Val:
Mula nung lumipat sila dito satin
bumibili lagi ng meryenda si Mamita
sa lola niya. 

Val:
Sarap magluto lola nun. 

Magnus:
ah. tapos naging kaibigan mo na? 

Val:
Hindi par. Nakakausap lang pero medyo
mailap yun eh. 

Magnus:
baka crush mo ah. crush ko yun. 

Val:
Tanga. Iba crush ko. Meheheh

Magnus:
sino? 

Val:
Secret. Mehehehe

Magnus:
bakit pala sayo pa pinadala yung ice cream? 

Val:
Gabi na. Di na sya papayagan ni Lola lumabas. 

Val:
Saka nagduda ako kanina par. 

Magnus:
bakit? 

Val:
Nakita ko nagbibilang ng barya bago bumili ng ice cream eh. 

Magnus:
ah. ilan ba binili nya? 

Val:
Isa lang. Yan lang. 

Magnus:
totoo? 

Val:
Oo. Tapos nagpa-pasaload sa tindahan. 

Magnus:
wala yata uling load. 

Val:
Oo. Nung nakaraang linggo, narinig kong inaalok
yun ni Dennis para i-load. Di naman pumayag. 

Magnus:
baka nahihiya. 

Val:
Oo. Medyo ma-pride si girl. 

Magnus:
di naman siguro. 

Val:
Kung ako kasi ang laging walang load tapos may
mag-aalok sakin, tatanggapin ko. Mehehehe

Magnus:
pangit naman. pano kung isipin nung lalaki
na may karapatan sya kay jela dahil lang sa load? 

Val:
Sabagay. May tulong na may attachment at 
expectation. Saka may tulong na porma talaga. 
Gaya ba ng sayo, par? Tinutulungan mo ba 
sya para pormahan? 

Magnus:
kung tinutulungan ko man sya, dahil yun gusto ko.
syempre, dahil na rin crush ko sya. pero kahit siguro
di ko sya crush, tutulungan ko pa rin kasi mabait sya. 

Val:
Mabait din naman ako, ah. Tulungan mo nga ako. 

Magnus:
san ba? may popormahan ka? 

Val:
What if may gusto lang akong nakawan ng halik?
Mehehehe

Magnus:
loko ka ah. sino? 

Val:
Hahaha. Wala, par. Niloloko lang kita. 

Magnus:
loko ka, valerio, baka may ninanakawan ka na ng 
halik. pabalita naman. hahaha

Val:
Wala pa. Saka kung meron man, papaturo ako sayo. 
Mehehehe

Magnus:
di ako nagnanakaw ng halik! haha

Val:
Di naman kailangan kasi for sure, papahalik naman sayo. 

Magnus:
hahahaha. puro ka na naman kalokohan, par. 

Val:
Hahaha. 

Magnus:
sige na, salamat uli sa paghahatid nitong ice cream. 

Val:
Sige, par. Good night. Mwah! 

Magnus:
gago bakit may mwah? hahaha

Val:
Mehehehe

Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon