13 years ago - Day 242

431 50 22
                                    

(Text message) 

Jelena:
[06:13 pm]
Hi, Magnus. 
Birthday mo raw? 

Magnus:
[6:16 pm]
hello, jela. oo, birthday ko. 

... 

Jelena:
[06:20 pm]
Sorry, I didn't know.
Narinig ko lang sa mga bumibili sa tindahan kanina nung may binili rin ako. 

Jelena:
Happy birthday, Magnus! 

Magnus:
[06:21 pm]
thank you :D 

... 

Jelena:
[06:30 pm]
Actually, kanina ko pa nalaman na birthday mo.
Tapos nag-iisip sana ako ng pwedeng iregalo sayo since niregaluhan mo ko nung birthday ko. Kaso, sorry, wala akong  mairegalo. 

Jelena:
Kung nalaman ko lang nang maaga na February ka pala, baka nakapaghanda ako kahit handmade na gift na lang. 

Magnus:
[06:33 pm]
okay lang yun. di ko naman kailangan ng gift. masaya naman ako sa greeting mo. 

Magnus:
ang totoo nyan, may handaan dito sa bahay. iimbitahin nga sana kita kaso lang ayoko ma-pressure ka magregalo. 

Magnus:
kaya naisip ko, baka mas okay malaman mo na lang na birthday ko pag matagal nang tapos. 

... 

Jelena:
[06:40 pm]
What if kahit matagal nang tapos ang birthday mo, I'd feel bad kapag nalaman ko? 

Magnus:
what if kiligin ako? 

...

Jelena:
[6:45 pm]
Huh? 

Magnus:
sorry, kaibigan ko yung nag-reply. kinuha cp ko. siraulo kasi. 

Magnus:
kung sasama pakiramdam mo dahil sa regalo, pwede mo naman akong regaluhan anytime. willing to wait. 

... 

Jelena:
[06:55 pm]
Pero what if wala pa rin akong mairegalo kahit na magtagal? T^T

Magnus:
haha

... 

Magnus:
[07:00 pm]
what if oras mo na lang iregalo mo sakin? 

... 

Jelena:
[07:07 pm]
What do you mean? 

Magnus:
pwede ka ba bukas? 1 o 2 hours lang? 

Jelena:
[07:12 pm]
Saan  tayo pupunta?

Magnus:
samahan mo kong kumain ng cake. 

... 

Jelena:
[07:18 pm]
Magpapaalam lang muna ako kay Lola.

Magnus:
okay. pwede kitang sunduin sa inyo tapos ipagpaalam din sa kanya.  

... 

Jelena:
[07:29 pm]
Pinayagan na ko.
Bandang 2 pm? Tapos 2 hours lang. 

Magnus:
yown. sunduin kita ng 2 pm. ihahatid kita ng 4 pm. no problem. :D

Jelena:
Okay. See you, Magnus. 

Magnus:
see you :D

Jelena:
Happy birthday uli! 

Magnus:
thank you uli! :D 

Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon