***
Oatmeal cookies.
Dinampot ko ang isang pakete ng gano'ng cookies sa 7-Eleven. Pagkapa ko pa lang, duda na 'kong may nabubusog do'n. Payat at manipis ang nasa loob. Matigas din. Ganito ba mga kinakain ni Jela ngayon? Baka kaya siya laging masungit kasi gutom.
Bahala na nga. Dumampot ako ng cupcakes at iba pang pastry do'n bago magbayad sa counter.
Sandali lang akong naghintay kay Jela. Lakas ng topak pagdating eh. Tuloy-tuloy pagda-drive at 'di man lang bumusina. Balak yatang iwan ako kung halimbawang 'di ako madatnang naghihintay sa kanya sa labas ng 7-Eleven. Nagbaba lang ng bintana si Jela at nakasimangot nang magsalita.
"Sakay na."
Lumapit ako agad. Baka magbago bigla ang isip, eh.
"'Di ba kita ipagda-drive?" tanong ko pag-upo sa passenger.
Angil lang ang isinagot sa 'kin. Natawa naman ako kahit inangilan ako.
Si Jela, laging highblood 'pag nakikita ako. Hindi ko nakikitang nakangiti maliban kung may kasama siyang kaibigan o kliyente.
Kapag ganitong kaswal lang siya sa ginagawa niya, seryoso ang mukha niya. Ang sungit tingnan. Hindi maamo ang mukha ni Jela. Mukha siyang diyosa na parurusahan ka at kailangan mong luhuran. Suwerte ng lumuhod dito.
Mahaba at malago ang buhok niya ngayon. May... curtain bangs yata tawag dito. 'Tapos 'pag naiinis siya, gaya nitong may bumulagang tricycle sa makipot na kalsada palabas ng Roseville, nasusuklay niya pataas ang buhok gamit ang daliri niya. Ang hot, eh.
"Quit staring," sabi niya sa 'kin.
Naks. Ayaw akong tumitig sa kanya eh siya lang naman ang puwede kong titigan.
"'Di ka komportable?" tanong ko.
"Not that."
"Ano?"
Sumulyap siya sandali sa 'kin. Medyo namumula ang mga mata niya. Puyat yata 'to.
"Ayoko lang," aniya.
"Gusto kitang titigan, eh."
"Ayoko nga."
"Walang ibang puwedeng gawin."
"Flirt with girls on your phone."
"Tinatamad ako."
Ang sama ng tingin niya sa 'kin. Haha. Eh tinatamad naman talaga 'kong lumandi sa cellphone. Bawal ba 'yon?
"Quit. Staring."
"Ayoko nga. Ngayon na lang uli kita natitigan nang malapitan."
Namula ang pisngi niya pero abot sa leeg. Malabo yatang nagba-blush. Baka kumukulo na naman dugo sa 'kin.
"At bakit mo 'ko kailangang titigan nang malapitan?"
"Sa malayo lagi titig ko noon eh."
Nararamdaman ko na highblood niya. 'Buti na lang nagmamaneho siya, hindi ako masasampal.
"Hindi ako makapag-concentrate sa pagmamaneho, Magnus!" angal niya.
Eh 'di quits. Hindi rin ako makapag-concentrate dahil malapit siya sa 'kin, pero 'di naman ako nagrereklamo. Kanina ko pa nararamdamang nagba-vibrate phone ko. Baka may kliyente kaming tumatawag. Kaso puro babae coordinators na kausap ko ngayon, baka pagbintangan ako ni Jela na nambababae.
"Ako na magmamaneho, Jela. Para 'di na kita kailangang titigan," sabi ko.
Gigil siyang bumusina nang malakas sa kotseng biglang sumingit sa 'min sa kalsada. Hot pa rin eh.
"Tumititig ka ba dahil gusto mong magmaneho?"
"Hindi. Tumititig nga ako kasi ngayon na lang kita nakita nang malapitan. At mukha kang pagod at puyat. Kaya puwede bang ako na ang mag-drive para makapagpahinga 'yang mata mo? Ang pula, o."
Hindi naman talaga gano'n kapula pero halatang pagod siya. Patay-malisya ako nang umabot siya ng salamin sa dashboard at tingnan sandali ang mga mata niya.
"Ako na magda-drive. Kapag na-bore ako rito sa kotse mo, baka sinusubuan na kita ng almusal mamaya."
Matalas siyang tumingin sa 'kin. Ayaw yatang pasubo.
"Saka sayang kape mo," dagdag ko at tumingin sa kape sa cup holder niya.
"Fine. We'll switch bago ang susunod na stoplight."
Ayaw ngang pasubo, willing naman ako.
**
'Kala ko, 'pag ako na ang nagda-drive, magkakape siya at kakainin ang oatmeal cookies niya. Pero hindi 'yon ang nangyari.
"Ba't ang daming pastry sa plastic na dala mo? Hindi ka pa nag-breakfast?" tanong niya sa 'kin.
Sumulyap ako saglit sa kanya, 'di naman sa 'kin nakatingin. "Para sa 'yo 'yan. Ang ninipis no'ng cookies na pinabili mo eh. Parang 'di ka mabubusog do'n. Diet ka ba?"
Para 'kong nagtanong sa hangin. 'Buti na lang sanay na 'ko kay Rohan Bato. Sumagot siya ng bida-bidang tawag sa kanya. Sandali lang siyang nakipag-usap, pagkatapos ay sumandal siya nang maayos sa passenger at humalukipkip.
"Go slow. Male-late daw ang client ko nang 30 to 45 minutes," aniya.
"Sige."
Mabuti naman na male-late para makapahinga siya sandali. Nagkunwari akong nagko-concentrate sa pagmamaneho kahit na binabantayan ko siya sa peripheral ko para 'di siya ma-highblood. Wala pang five minutes, nakita ko siyang natutulog na.
**
Seryosong ngayon ko na lang uli natitigan nang malapitan si Jela. 'Di ko alam kung pa'no nangyari dahil 'di naman kami nag-usap, pero umiiwas kaming magkasama sa anumang project. Alam ng lahat ng tao sa Roseville 'yon. 'Di ko na maalala kung sino ang unang tumanggi kanino o kung sino ang unang nagbawal o nagreklamo. Nasanay na lang akong naririnig o nalalaman na tahasan niyang sinasabing ayaw niya 'kong katrabaho. Dahil gago ako, sinasabi ko ring the feeling is mutual. Para quits.
Kaya ngayong ang sarap ng tulog niya sa passenger, kahit na kanina pa kami nasa venue at kanina pa umiilaw ang notifications sa phone niya, nakatitig ako sa kanya. Sinasamantala ko nang 'di niya 'ko puwedeng sitahin o sungitan. Mapagsamantala kasi akong tao. Isa pa, ang himbing niya. Pagod nga talaga. Mas okay kung magpapahinga siya.
Si Jela 'yong babaeng curious ako kung ano'ng iniisip bago matulog at kung ano'ng napapanaginipan kapag tulog na. Sobrang tagal ko nang nakatitig sa kanya nang gumalaw siya nang kaunti, parang naghahanap ng komportableng unan ang ulo niya. Nang akala ko ay dudulas siya sa upuan, sinalo ko. Sumakto ang tagiliran ng ulo niya sa palad ko.
Hindi ako nakagalaw kahit baka nagising siya sa init ng kamay ko at magsusungit. Hindi gumalaw kahit nang buong akala ko ay gising na nga at parang lasing na nagsalita.
"Back off kung hindi kita boyfriend..." sabi niya.
Hinintay ko siyang magmulat pero mas lalo lang siyang humilig sa palad ko.
"Pa'no kung gustong maging boyfriend, Jela? Puwedeng hindi mag-back off?" mahinang tanong ko.
Hindi siya sumagot. Ayoko rin naman. Mas gusto kong matulog siya nang ganito—'yong salo ko ang ulo niya at natititigan ko siya.
'At pa'no kung future boyfriend? Puwede bang advanced service?'
Suwerte ng mag-a-advanced service. #
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)
RastgeleAng sabi ni Jelena, galit siya kay Magnus. Ang sabi ni Magnus, galit din daw siya kay Jelena. Ang sabi ng mga taga-Roseville, tuwing magkikita ang dalawa, parang may dadanak na dugo. Pero iba ang sabi ng past. Ang sabi ng past, patay na patay sila...