Day 3.10

440 56 17
                                    

(Phone conversation) 

4:13 PM 

Jelena:
(Muttering) I'm going to regret this so much, damn it! Kailan niya pa naging minion lahat ng friends ko?! Ugh! 

Magnus:
(Clears throat) Hello.

Jelena:
Nasa venue ka pa rin? 

Magnus:
Oo. Sabi ko naman sa 'yo, dito lang ako hangga't 'di mo 'ko sinusundo. 

Jelena:
(Irritated) Are you really an idiot?

Magnus:
Oo, pero hindi lagi. 

Jelena:
You're a grown man! Puwede kang nagpatawag na lang ng taxi mula diyan para nakapunta ka rito! 

Magnus:
Kung gagawin ko 'yon, parang inamin kong nakikipag-flirt nga ako kanina gaya ng accusation mo! 

Jelena:
So what? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa iisipin ko sa 'yo? 

Magnus:
Kanina. Dahil sinabi ko sa 'yo, specifically, na hindi ako lalandi ngayong araw. 

Jelena:
Dahil lang do'n? Kaya pati mga taga-Roseville, sinabihan mong guluhin ako? 

Magnus:
Sabi mo, petty ako eh. 

Jelena:
Well, ang petty mo nga! 

Magnus:
At ang selosa mo! 

Jelena:
For the nth time, hindi ako selosa!

Magnus: 
'Ge, 'ge. 'Di ka nagselos. May toyo ka lang. 

Jelena:
I hate this so much. Lahat, pati friends ko, pinipilit akong sunduin ka! 

Magnus:
(Sighs) (Gentle) Kumain ka na? 

(Silence) 

Jelena:
What?

Magnus:
Sabi ko, kumain ka na ba? 

Jelena:
W-Why are you asking that? 

Magnus:
Dahil sabi mo, pinipilit ka nilang sunduin ako. Baka mula kanina ka pa nila kinukulit, baka hindi ka nakakain. Wala ka pang matinong almusal. Kaya tinatanong ko... nakakain ka na ba? 

Jelena:
(Confused) Uh... no! I'm too angry to eat! 

Magnus:
Tumawag ka dahil babalikan mo 'ko rito, 'di ba? 

Jelena:
(Hisses) Well, kung gusto kong matahimik ang buhay ko today at sa mga susunod na araw, kailangan kitang balikan! 

Magnus:
Okay. Thanks. Pumunta ka na agad dito para makakain tayo. Wala ka pang matinong kain. 

(Silence)

Jelena:
And you? Did you eat? 

Magnus:
Hindi. Masyado akong inis kanina para kumain. 

Jelena:
(Sighs) You're an idiot... 

Magnus:
(Chuckles) Oo nga. Pero nagugutom na rin ako ngayon kaya pabilis sana ng pagsundo. 

Jelena:
(Sighs) Just so you know... babalikan lang kita dahil pinilit ako. 

Magnus:
Oo, alam ko. Hindi 'yon dahil mali ka kanina o dahil inaamin mong mali ka. 

Jelena:
And if you rub it in my face na binalikan kita pagkatapos kitang iwan... 

Magnus:
'Di ko gagawin 'yon, Jela. Masaya na 'kong babalikan mo 'ko. Pero 'yong tukso ng mga taong inabala ko, 'di ko mapipigilan. 'Pag pinigilan ko sila, tutuksuhin tayo lalo. 

Jelena:
(Hisses) Ang petty mo kasi! 

Magnus:
(Chuckles) Bilis na, Miss. Nagugutom na 'ko. 

Jelena:
Okay, okay. I hate you! 

Magnus:
(Nonchalant) 'Ge, 'ge. Hate you too. (Chuckles) 

Call ended. 

Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon