13 years ago - Day 241

286 37 3
                                    

(Phone call) 

07:11 PM 

Liam:
Hoy, Magnus boy, ano'ng gusto mong regalo bukas? 

Magnus:
Bakit? Bibilhan mo 'ko? 

Liam:
Hindi ako. (Quiet laughter) Asa ka naman. Pinapatanong lang ni Mama. 

Magnus:
Lakas ko talaga kay Tiya ah. Kahit anong gift, pwede naman. Papaluto na nga ako handa eh. (Laughs) 

Liam:
Sigurado ka? Cash na lang daw? 

Magnus:
Gift na lang. Pinadalhan na 'kong pera ni Mama. (Clears throat) Si Tiyo ba, walang regalo sa 'kin? 

Liam:
Kapal naman ng mukha mo kung pati si Papa magreregalo sa 'yo. (Laughs) 

Magnus:
Hindi ba niya naiisip na baka mas okay akong maging anak kaysa sa 'yo? (Laughs) 

Liam:
Ulol. Ano naman pakinabang niya sa 'yo? 

Magnus:
Guwapo ako. 

(Both laughs) 

Liam:
Puta. Kilabutan ka naman, 'oy. Mas guwapo ako sa 'yo. 

Magnus:
Utot mo. Lagi kang may bangas sa mukha. Nakakakuha ka kasuntukan kahit sa simbahan. (Laughs) 

Liam:
Pangit 'yong kulot mo. 

Magnus:
Sa taas o sa baba? 

(Both laughs) 

Magnus:
Napakawalang kuwenta mong kausap, Liam boy. 

Liam:
(Laughing) Eh 'di si Miss Masungit kausapin mo. Kaso, 'di ka kinakausap, 'no? Kawawa ka naman. 

Magnus:
(Chuckles) Kawawa talaga. 'Di ko alam kung laging busy o laging walang load. Gusto ko pa-load-an kaso baka umiwas sa 'kin 'pag nahalata akong crush ko siya. 

Liam:
Mag-confess ka na! 'Di ka na mag-aalalang makahalata siya 'pag sinabihan mo. (Laughs) 

Magnus:
Ulol ka. (Laughs) 

Liam:
'Di ka na tinext uli mula New Year? 

Magnus:
(Sighs) 'Di nga eh. Damot ni Jela. 'Tapos 'pag dumadaan ako sa may kanila, laging wala. Laging sarado pinto no'ng bahay na inuupahan nila. Kahit bumili ako barbecue do'n sa malapit, 'di ko ma-timing-an. 

Liam:
Baka 'di kayo nakatadhana. Baka iba tadhana mo. Kay Aika ka na lang. Patay na patay 'yon sa 'yo. 

Magnus:
Puro kayo Aika. 'Di ko nga crush. 

Liam:
Laki naman boobs no'n, ah. 

Magnus:
Gago. Ano gagawin ko ro'n? 

Liam:
'Di mo alam gagawin? Weh? 

Magnus:
(Laughs) Wala ka talagang kuwenta kausap. 

Liam:
Mabait si Aika, ah. Cool lang 'tapos matalino rin. 

Magnus:
'Buti alam mo. 'Kala ko, puro boobs niya binantayan mo. 

Liam:
(Laughs) 'Di ako ang nakakapansin no'n lagi. Sina Carlo. (Laughs) 

Magnus:
Mga siraulo. (Laughs) Pero hindi ko talaga crush 'yon eh. 

Liam:
May narinig akong balita kina Ma'am Roche, ah. 'Di ba, kakilala nina Mama 'yon? Mapupunta yata sa section n'yo sina Jelena saka ibang mga taga-D 'pagka-fourth year n'yo. 

Magnus:
Weh? Hindi nga? 

Liam:
Oo nga. Kaya ayusin mo grades mo, tanga. Baka 'pag nasa A na crush mo, ikaw naman malipat. (Laughs) Tanga ka pa naman. 

Magnus:
Feeling matalino ka, ah. (Laughs) 

Liam:
Basta kami, ga-graduate na. 

Magnus:
Makaka-graduate ka ba talaga? Pa'no kung 'di ka ipasa nina Ma'am Roche dahil tarantado ka? 

Liam:
(Laughs) 'Di naman ako nakipag-away last month, ah. Kaunti lang cutting ko. 

Magnus:
Sana nga maka-graduate ka. Para mabawasan sakit ng ulo ng mga teacher sa school. 

Liam:
(Laughs) 'Sus. Mami-miss pa nila 'ko. (Pause) Teka. Sasabihin mo ba sa crush mo na birthday mo bukas? O ipapasabi ko na lang sa iba? (Laughs) 

Magnus:
'Wag na. Nakakahiya. Niregaluhan ko 'yon no'ng birthday niya. Baka ma-pressure magregalo pabalik. 

Liam:
Ah, 'wag ba? Nagbanggit na yata sina Vernon eh. (Laughs) 'Di mo iimbitahin sa handaan bukas? 

Magnus:
Puro naman kayong mga siraulo ang nasa bahay. Wala siyang masyadong kakilala sa mga pupunta. Baka ma-OP lang siya. 

Liam:
(Teases) Iba na 'yang concern na 'yan, ah. 

Magnus:
Gago. Ayoko lang siya ma-OP. 

Liam:
Sige, sige. (Clears throat) Sabihin ko kay Mama na ang gusto mong regalo ay T-shirt, rubber shoes, pantalon. Para magalit. 

Magnus:
(Laughs) Wala ka talagang kuwenta, Liam boy. 

Liam:
(Laughing) Sige na. Surprise na lang kung ano madala bukas. Maglinis ka naman sa inyo bago ka magpapasok ng bisita. 

Magnus:
Maglilinis talaga ako, kahit kina Rohan maglalatag ng handa. Siraulo ka. 

Liam:
(Laughing) Naniniguro lang. Para madaling pagbintangan si Vernon 'pag may naamoy na mabaho. 

Magnus:
(Laughs) Sige na. 

Liam:
Sabihin mo nga, Jelena. 

Magnus:
Bakit? 

Liam:
Sabihin mo lang. 'Wag kang maarte. 

Magnus:
Gago-gago ka na naman. 

Liam:
Sabihin mo na. Ang tagal! 

Magnus:
Jele--

Call cut by Liam.  

Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon