Day 4.4

677 74 23
                                    

(Phone conversation) 

10:42 AM 

Jelena:
(Hurried voice) Hello? 

Magnus:
Hello. Wait lang, Jela. (Muffled sound) 

Jelena:
If you're busy--

Magnus:
Shhh. Wait lang. (Muffled sound) (Long pause) Okay na. Kumusta? 

Jelena:
Are you busy? 

Magnus:
Medyo. Nasa meeting ako. 

Jelena:
Uh... Nasa meeting ka at sumagot ka sa phone mo? 

Magnus:
Tumatawag ka, eh. 

Jelena:
Yeah, but bakit ka sumagot? Pa'no ang ka-meeting mo? 

Magnus:
Okay naman siya. Sabi ko, may call ako. 

Jelena:
Did you tell her I'm a client? 

Magnus:
Lalaki ka-meeting ko. Matanda na. Lakas ng duda mo, ah. Sabi ko, may tumatawag na importante. 

(Pause) 

Magnus:
(Clears throat) Ano 'yon, Jela? May problema ba? 

Jelena:
Well... uh... on second thought, hindi yata good time tumawag ngayon. 

Magnus:
Ano 'yong first thought? Na tama tumawag ngayon? 

Jelena:
Ang first thought ko... ay curious ako. But we can talk about it later... siguro. If I can still muster the courage to call again. 

Magnus:
(Chuckles) Nagtanong ka ba kina Rossa sa nangyari at inasar ka ba nila kaya ka biglang tumawag? 

Jelena:
You know they'd tease me! 

Magnus:
Alam ko. Pero kung anuman ang sinabi nila, gusto kong malaman mo na hindi ako naabala kagabi. (Pause) Ibig kong sabihin, naabala ako pero ayos lang naman. 

Jelena:
Well, you sound okay. You're too cool about it, na lalo akong nagdududa. Lalo akong curious! Ano'ng klaseng abala ba ang ginawa ko? Bakit sabi nila... sabi nila... uhm... I clung to you last night? Na sumama ako sa room mo? And sa banyo? What happened? 

(Pause) 

Jelena:
Hello? 'Wag kang babalik sa meeting mo nang hindi ako sinasagot! 

Magnus:
(Soft laugh) Nandito pa 'ko. Iniisip ko lang kung paano sasabihin 'yong dapat sabihin. (Exhales air) Hmm. Lumapit ka sa 'kin kagabi no'ng nasa labas ako ng bahay nina Allen. Ang sabi nina Rossa, ang dare mo ay halikan ako. Muntik mo nang gawin pero naunang umakyat 'yong burger na kinain natin at 'yong alak na ininom mo. Kaya 'yun. Naligo ako ng burger at alak. 

Jelena:
(Pause) E... eww. Naligo talaga? Sa'n ka tinamaan? 

Magnus:
Sa dibdib pababa. 

Jelena:
(Disbelieving voice) At hindi ka man lang umilag? 

Magnus:
Lasing ka at nakakapit ka sa 'kin. Pa'no 'ko iilag? Pa'no kung matumba ka dahil binitiwan kita? 

(Pause) 

Jelena:
Then bakit hindi mo 'ko binitiwan kahit no'ng tapos na 'kong mag-vomit? 

Magnus:
(Lighter voice) Kasi po, nahihiya ka kina Rossa dahil marumi ang mukha mo. Sa sobrang hiya mo, nakasubsob ka sa dibdib ko. 

Jelena:
(Panicked) On my vomit?! 

Magnus:
Oo. Bakit? 'Di ka makapaniwala sa lakas ng trip mo? (Laughs lightly) 

Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon