(Text message)
Rohan:
Kulot, may naghatid ng barbecue rito sa bahay.
binili mo raw to?Magnus:
ah oo. nakalimutan ko sa barbecuehan.
buti hinatid dyanRohan:
binili mo pero nakalimutan mo?
san ka ba? hanap ka na ni Mama.Magnus:
sa may plaza, malapit sa library.Rohan:
ano ginagawa mo diyan?
sasabihin ko ba kay Mama na nandyan ka?
di ka naman mahilig magbasa ng libroMagnus:
hahaha. may tiningnan lang ako rito.Rohan:
ano?Magnus:
si jelena. nagpuntang library e.
kakausapin ko sana pero nahiya ako.Rohan:
di mo nakausap?Magnus:
hindiRohan:
eh di dapat umuwi ka naMagnus:
gabi na eh. babantayan ko lang sya makauwi nang maayos.
bago lang sya rito sa lugar natin. baka mapagtripan.Rohan:
sige. sulitin mo na pagtitig dyan sa crush mo.Rohan:
pagbalik mo, kunin mo rito sa bahay yung mga damit mo.
tuyo na lahat.Magnus:
sige. bilhan ko pasalubong si auntie.Rohan:
buko juice na lang.Magnus:
sige.Rohan:
saka maglinis ka ng bahay.Magnus:
oo. ako na maglilinis bukas.Magnus:
makikinood ako tv pag-uwi ko ah.Rohan:
sige.Magnus:
si cathy ba, gising pa?
pwede ko bilhan chichirya?Rohan:
oo, pero wag mo ibibigay mamaya.
masakit ngipin nun kanina. maaga nag-toothbrush.Magnus:
sige.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)
RandomAng sabi ni Jelena, galit siya kay Magnus. Ang sabi ni Magnus, galit din daw siya kay Jelena. Ang sabi ng mga taga-Roseville, tuwing magkikita ang dalawa, parang may dadanak na dugo. Pero iba ang sabi ng past. Ang sabi ng past, patay na patay sila...