***
"Ano'ng order mo?" tanong ko kay Jela habang nasa drive-thru kami ng The Burger Joint. Walang permiso niya 'yon. Gutom na kasi ako at sigurado akong gano'n din siya. 'Yong simangot niya kanina pagdating sa venue, simangot ng gutom eh.
"Aloha burger," maiksi niyang sagot.
Wala pa rin yata sa mood. Grabe magdibdib 'tong babaeng 'to ng sama ng loob at ng init ng ulo. Kahit nagpapaka-good boy na 'ko, wala pa rin yatang effect. Samantalang ako, lipas na agad sama ng loob ko sa pag-iwan niya sa 'kin dahil lang binalikan ako.
Babaw kong tao. Haha.
"One Aloha burger, extra cheese, extra bacon, extra lettuce," sabi ko sa intercom. Bumaling ako kay Jela. "Tama, 'di ba?"
Kunot ang noo niya pero parang 'di naman inis. "Yep."
"One double patty burger ang sa 'kin. Extra cheese, extra tomato, extra lettuce. Lemonade iinumin mo, Jela? O softdrinks?"
Tagal ng titig niya sa menu sa labas eh. Sa Coke nakatingin at sa juice.
"Gusto ko ng lemonade . . ." Pero parang may kulang sa sinabi niya, kaya malamang gusto niya rin ng Coke.
Um-order ako ng lemonade niya at tatlong in-can ng Coke. Nagdagdag ng fries. Papatulan ko pa sana 'yong isang bucket ng chicken pero 'di naman ako susubuan ni Jela habang nagda-drive. Asa pa 'ko.
"'Yon lang order," sabi ko.
"Cash o card po?" sabi sa kabilang bahagi ng intercom.
Gusto kong gamitin ang company card para ma-highblood si Ro, pero dahil masama ugali no'n, baka triple ibawas sa sahod ko dahil lang sa prank. Nag-cash tuloy ako. Saklap.
Umikot kami sa receiving window ng order. Walang nagsasalita sa amin ni Jela. Pinilit kong tumingin lang at maghintay sa window kung saan bubulaga ang order. Siya naman, nakatutok sa phone. 'Tapos sakto, umilaw ang phone ko na nasa phone holder niya. Nakabukas ang driving app do'n papunta sa bahay nina Allen sa Taguig kung saan kami susunod. Sa caller ID, naka-display ang pangalan ni . . .
"Si Vernon tumatawag, ah." Ayokong tunog defensive pero defensive nga.
"I can see it," sabi niya at umirap kahit hindi nakatingin sa 'kin.
'Buti naman, malinaw pala mata niya.
Ilang sandali pa, ibinigay sa amin ang order namin at sumabak kami sa traffic ng Manila.
"Eat while nasa traffic tayo," sabi niya. "Hindi naman gagalaw anytime soon ang sasakyan."
"Mabuti pa," sabi ko. Bago ko pa abutin ang paper bag ng burgers, inabot na niya sa 'kin ang pagkain ko.
"Fries ba muna gusto mo?" maamong tanong niya sa 'kin.
'Tangina. Bakit masaya na 'ko sa ganitong bagay?
"Burger. Gutom na 'ko talaga," sabi ko nang kunin ang pagkain.
Tahimik kaming kumain. Paminsan-minsan, umuusad kami sa traffic. Pero dahil rush hour, nagkaoras kaming kumain.
"Fries?" alok niya uli at inilapit sa 'kin ang bucket na kinalalagyan niyon.
"Subuan mo 'ko. Aandar na tayo, eh."
Ready naman akong masungitan pero nagbuga lang siya ng hangin bago subuan nga ako. Nice.
"Thanks," sabi ko at sandaling sumulyap.
"Kapag tumingin ka sa 'kin, 'di na kita susubuan."
Damot ni Jela. Pero 'di na 'ko tumingin dahil sayang ang perk. "Sige."
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)
RandomAng sabi ni Jelena, galit siya kay Magnus. Ang sabi ni Magnus, galit din daw siya kay Jelena. Ang sabi ng mga taga-Roseville, tuwing magkikita ang dalawa, parang may dadanak na dugo. Pero iba ang sabi ng past. Ang sabi ng past, patay na patay sila...