(Chat)
Sun | 03:20 PM
Liam:
san ka boy?
buhay ka pa ba? hahahahMagnus:
sa bahayLiam:
kita ka raw ni putot kanina sa 7-Eleven ah
bumili ka raw alakMagnus:
alak ampMagnus:
ilang bote lang yunLiam:
nagdala ka sana sa clubhouse hahahahMagnus:
bakit?
di pa kayo umuwi?Liam:
kanina pa kami bumalik ni miles sa apartment
sina cha at silas, nagpo-food trip pa yata run
si vernon, kumakanta
si rohan, ewan
wala namang kwenta yun hahahaMagnus:
tatamad ako pumunta run eh
kaunti lang binili kong alak
pampatulog lang mamayaMagnus:
detergent talaga binili ko saka panlinis ng bahayLiam:
kakaduda ah
maglilinis ka?Magnus:
ooLiam:
anong klaseng linis ba yan?
may problema ka ba? hahahahaLiam:
naglilinis ka lang kapag galit ka sa mundo ahMagnus:
galit ampota
naglaba lang akoLiam:
damit lang nilabhan mo?Magnus:
pati kurtinaLiam:
sahig lang nilinisan mo?Magnus:
pati kisameLiam:
hahahaha
galit nga si tangaLiam:
ano ba nangyari sa date nyo ni jelena?Magnus:
walaLiam:
ge wag mo ikwento para itanong ni vernon kay jelenaLiam:
kagabi pa nagpupustahan mga tanga kung sino tatawag kay jelena para magtanong dahil di kayo umuwiMagnus:
hindi umuwi si jelena?Liam:
di ka rin naman umuwi ahLiam:
sabi cathy, 5am ka nasa bahayMagnus:
hindi nga umuwi si jelena?Liam:
hahahahahahaLiam:
di ka pa yata updated ahLiam:
oo, hindi umuwi sa kanila.
maaga si kulot kanina napadaan sa kanila.
wala raw ilaw sa labas magdamag.Magnus:
maagang napadaan amp
mga chismosong tanginaLiam:
ayaw mo magmanman?Magnus:
bakit di umuwi yun?
10 pm sya umalisLiam:
ano ba kasi nangyari?Magnus:
kumain lang kami sa mahal na kainan
steakhouse na magkakasakit si rohan sa presyoLiam:
hahahaha tanginang yanMagnus:
tapos may tinawagang lalaki si jelena
sinundo sya, sumama sya
naiwan sakin kotse nyaMagnus:
kukunin nya raw mamaya rito sa bahay yung kotse nyaLiam:
laki naman ng tiwala sayo para iwan kotse nyaMagnus:
tiwala ampMagnus:
wala akong kotse kaya sakin iniwan kotse
may kotse yung sumundo sa kanyaLiam:
peynLiam:
guwapo ba sumundo?Magnus:
pangitMagnus:
mukhang pwetLiam:
hahahaha
tanginaLiam:
lasang selos na selos ahMagnus:
di ako nagseselos
pangit moLiam:
hahahahaLiam:
eh bakit nasa bahay mo rin kanina si ayana?
pag yan nalaman ni jelenaMagnus:
pumunta ko sa bar nung wala na sya
nakita ko si ayana run
tumabi sakin sa pag-inomLiam:
wag mong sabihing nag thank you na naman sayoMagnus:
di ako available sa thank you ngayonLiam:
tanginaLiam:
eh bakit nagpunta dyan sa bahay nyo?Magnus:
hinatid ako
sya nag-drive ng kotse ni jelenaLiam:
patay ka kay jelena pag nalaman yanMagnus:
sya unang nang-iwan
bahala sya sa buhay nyaLiam:
kailangan mo ba pagkain dyan?
sama yata loob mo eh hahahaMagnus:
meron ba dyan?Liam:
may paella ako niluto
sa bahay, may nilagang baka
pinagluto ko kanina si mamaMagnus:
padala na lang dito
baka pumunta si jelena para sa kotse
di ako pwedeng umalisLiam:
kala ko ba bahala sya sa buhay nya? hahahahaMagnus:
gagoLiam:
naglinis ka yata ng bahay dahil dadaan dyan hahahaMagnus:
naglinis ako dahil marumi ritoLiam:
gegeLiam:
padala ko pagkain mo kay kulotMagnus:
ge salamatLiam:
ikain mo selos mo hahahaMagnus:
selos amp
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)
RandomAng sabi ni Jelena, galit siya kay Magnus. Ang sabi ni Magnus, galit din daw siya kay Jelena. Ang sabi ng mga taga-Roseville, tuwing magkikita ang dalawa, parang may dadanak na dugo. Pero iba ang sabi ng past. Ang sabi ng past, patay na patay sila...