(Text message - Jelena X Magnus)
From Jelena:
Hi. This is Jelena. First, thank you
sa pagsama uli sakin na magpa-photocopy
nung Thursday, at paghatid sakin
sa comp shop para magpa-print
nung Friday. And sorry to bother you
on a Saturday, but nabanggit mo last time
na sa Roseville ka nakatira.
Truth is, dito rin kami ni Lola sa Roseville.
And today, I need to know sana kung saan
may pinaka-affordable na botika?
Thank you.From Jelena:
Sorry to sound demanding po, pero sana
makita mo agad message ko. Need ko lang
kasi talaga. Thank you.Magnus:
hello. kailangan mo bang bumili ng gamot?
pwede kitang ibili.Jelena:
Oh no. Not necessary. Kahit sabihin mo na lang sakin
kung saan yun o kung pano puntahan, I can manage.Magnus:
magulo kasi mga kalye dito sa roseville.
samahan na lang kita.Jelena:
Hindi ka ba busy? May house chores?Magnus:
wala akong ginagawa ngayon. sakto timing mo.
san kita pwedeng sunduin?Jelena:
Pawala na load ko. Sa tindahan nina Aling Nora?
Alam mo ba yun?Magnus:
oo, alam ko yan. wait mo ko 30 mins.Jelena:
Sige. Thank you, Magnus.
See you. Ingat papunta rito. :)
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)
RandomAng sabi ni Jelena, galit siya kay Magnus. Ang sabi ni Magnus, galit din daw siya kay Jelena. Ang sabi ng mga taga-Roseville, tuwing magkikita ang dalawa, parang may dadanak na dugo. Pero iba ang sabi ng past. Ang sabi ng past, patay na patay sila...