(Video recording transcription)
Camera opens.
Malikot ang camera at foggy ang lens. May mga nagbubulungang lasing.
"Come on. Ang dami mong karibal, o. Sa Messenger pa lang ni Daddy, ang daming nagyayaya. Magpapatalo ka ba?"
"Bruha ka," sagot ni Jelena. "Kailan ako nakipag-compete sa mga babae niya?"
"Kasi hindi mo kailangang makipag-compete! Ikaw lang dapat ang babae!"
May mga naghiyawan. May isinaling alak sa shotglass. May nag-cheers bago magtawanan.
"Come on, Jels. Natalo ka sa game. Ang dare ay halikan si Daddy."
"What if he hates it?" Halata ang hesitation sa boses niya.
"I doubt it."
"'Di rin ako naniniwalang magagalit. Come on, girl!"
"Habang nasa labas lang siya kasama si Allen, grab the chance!"
"And it's a dare! Come on, move!"
"Okay, okay," si Jelena. "Mga bad influence kayo..."
May mababasaging mag-uumpugan. Malabo pa rin ang lens.
"Careful, girl. Dahan-dahan sa paglalakad."
"Sunod tayo," bulong ng isa. "Come on."
"Parang malabo 'tong video," sabi ng isa pa.
"Baka lasing lang tayo. Malabo rin tingin ko, eh."
"We got to record this moment."
"Yeah..."
Luminaw nang kaunti ang lens. Walang balanseng namaybay si Jelena palabas sa isang malaki at marangyang living room. Maliksi kahit parang mabubuwal. Mabilis nakarating sa pinto. Nakasunod ang camera kahit malikot at malabo.
"I have to kiss you..." bulong ni Jelena.
Huminto ang camera. Tumuon sa malambong na verandah, malabo ang dalawang taong magkaharap.
"Lasing ka na..." sabi ng isang lalaki.
Sinaway ito ng iba pa.
"Let's see them kiss!" excited na sabi ng isa pa.
"Look at the way they're looking at each other!"
"Magkatinginan ba sila? Malabo sa mata ko."
"You don't have your eyeglasses on, girl."
May nagsaway uli. Mahinang naririnig ang pinag-uusapan ng dalawang inire-record.
"Sa akin ka lang tumingin, Magnus . . ." mahina ang boses na sabi ni Jelena.
May impit na tilian.
"Daddy's gonna lose his cool anytime..." kinikilig na sabi ng isa.
"Baka mabaliw kapag hinalikan. Oh-em-gee..."
"Look! Jelena's going for the kiss!"
Mahinang nag-cheer ang mga nanonood.
"Go, Jels. Make him yours... Go..."
Natahimik sandali bago...
"Oh, shit. Did she just--"
"She did! Oh, gosh!"
"Baka oh, gross."
Nagtawanan ang mga nanonood.
"Sorry, daddy..." bulong nila.
Recording stops.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)
SonstigesAng sabi ni Jelena, galit siya kay Magnus. Ang sabi ni Magnus, galit din daw siya kay Jelena. Ang sabi ng mga taga-Roseville, tuwing magkikita ang dalawa, parang may dadanak na dugo. Pero iba ang sabi ng past. Ang sabi ng past, patay na patay sila...