14 years ago - Day 12.1

433 38 12
                                    

(Text messages: Jelena X Magnus) 

From Magnus
nakauwi na ko. :)

...

Jelena: 
Sorry sa late reply. Pinatulog ko lang muna
Lola ko. Thank you sa pagsama sakin
sa botika kanina. 

Jelena:
Thank you rin sa load. Usually, wala 
akong budget sa load. Nagtitipid kasi ako. 

Magnus:
okay lang yun.
baka kasi may kailangan ka
i-text o tawagan para sa lola mo.

Jelena:
Sorry din pala kung nagmadali akong umuwi.
Nag-worry kasi ako kay lola.
Also, kinain ko na yung ice cream na binili mo 
para sakin. Wala kasi kaming ref. 

Jelena:
Uhm... wala naman akong ibang pwedeng
tawagan o i-text para kay lola. Yung pinakamalapit
na kamag-anak namin, sa Cebu nakatira. 

Magnus:
ang layo naman. dun ka ba galing
bago kayo lumipat dito sa Roseville? 

Jelena:
Hindi. Umupa kami dati sa Pasig. 
Dun kami galing bago umupa rito. 

Magnus:
ah. buong pamilya kayo rito?
kasama mo nanay at tatay mo?

...

Jelena:
Hindi ko na-meet tatay ko.
Nanay ko, maagang namatay.
Palipat-lipat ako sa mga tita ko noon,
bago ako kunin ng lola ko. 

Jelena:
Ikaw? May mga kapatid ka?
Mama at Papa? 

Magnus:
di ko na rin nakilala tatay ko eh. 
di ko alam kung buhay pa. haha

Jelena:
Bakit? 

Magnus:
umalis daw noon tapos di na bumalik. 
mama ko naman, may ibang pamilya na. 
pinapadalhan na lang ako ng pera. 

Jelena:
Sinong kasama mo sa inyo? 

Magnus:
wala talaga. pero duplex tong bahay
sa kabila, nandun tita at tito ko
tapos dalawang pinsan. 

Jelena:
Hindi ba parang malungkot walang kasama? :(  

Magnus:
minsan. 

Magnus:
pero parang kapatid ko na mga pinsan ko. 
pareho kami ng edad ni rohan. tapos cute si cathy,
yung bunso namin. 

Magnus:
ikaw? hindi ba malungkot? 

Jelena:
Minsan din. Tapos inggit din minsan sa iba
na may magulang. Pero normal naman yun. 

... 

Jelena:
Uhm, okay lang bang humingi pa rin ako 
ng tulong sayo sa susunod? Kung hindi naman kita
masyadong naaabala? 

Jelena:
If naaabala naman kita, pwede kitang tulungan
sa mga projects at assignments. Wala akong pera
pero magaling akong mag-tutor. 

Jelena:
Yung pinan-load mo sakin, pwede kong bayaran
ng assignment? 

Magnus:
haha
di mo naman kailangang bayaran

Magnus:
tanong ka lang sakin kapag may kailangan ka.
tapos papa-tutor ako sayo pag kailangan ko.
mukha ka namang matalino.  

Jelena:
Matalino talaga ako. Promise. :)

Jelena:
Pwede kitang turuan sa kahit aling subjects. :)

Magnus:
haha

Magnus:
kahit siguro turuan mo lang ako ng self-confidence mo. 

Jelena:
Uy, hindi ako mayabang ha. Totoo sinasabi ko. :(

Magnus:
haha
alam kong hindi ka mayabang
naniniwala rin ako sayo

Magnus:
pero ganda mng self-confidence mo. haha

Jelena:
Bakit feeling ko, inaasar mo ko? 

Magnus:
hindi hahaha

Jelena:
Yung haha mo e

Magnus:
hindi talaga
amazed lang ako sayo

Jelena:
Oh. 

Jelena:
Bakit?

Magnus:
di ko mapaliwanag e
basta

... 

Jelena:
Sorry. Alam kong pina-load mo ko
pero hindi ako pwedeng magbabad
sa text. Maglalaba pa kasi ako. 

Magnus:
sige
nice talking to you, jela

... 

Jelena:
Narinig mo si lola kanina? 

Magnus:
oo

Magnus:
okay lang namang jela rin itawag ko sayo? 

...

Jelena:
Okay lang naman. Friends naman tayo. 

Jelena:
Wait. Friends naman tayo, di ba? 

Magnus: 
oo 

Jelena:
Yey! Thank you! 

Jelena:
Ikaw? May nickname ka? O Magnus lang?

Jelena:
Anong tawag ng iba sayo? 

Magnus:
crush

...  

Magnus:
crush tawag nung iba sakin 
hahaha 

... 

Jelena: 
Ah. Oo nga, marami yatang may crush sayo. 
Siguro dahil mabait ka. 

Jelena:
Tinutulungan mo rin sila sa needs nila, no?
Nilo-load?

Magnus:
hindi 

Magnus:
crush lang nila ko kasi ang gwapo ko ;)

Jelena:
Hindi naman. 

... 

Magnus:
ang lala a
hahahha 

Jelena:
Ibig kong sabihin, gwapo ka pero sakto lang. 
I mean, may mas gwapo pa sayo, gaya ng mga artista?  

Magnus:
sumasakit pa habang nagdadagdag ka a
hahahaha

Jelena:
Ay sorry. Haha. Wag kang maniwala sakin.
Hindi ako marunong tumingin ng gwapo. 

Magnus:
okay yan. 

Jelena:
Bakit? 

Magnus:
ibig sabihin, baka mas importante sayo
yung ibang bagay. hindi physical appearance di ba?

Jelena:
Ah... oo. Pero hindi ako tumitingin sa gwapo
kasi focus ako sa pag-aaral. :)

Magnus:
naks. tama naman yan

Jelena:
Thank you. :)

Jelena:
Pero ano nga tawag ng iba sayo?
Yung tawag ng friends mo sana. 

Magnus:
wala
magnus lang, jela

Jelena:
Okay.  

Jelena:
Thank you uli today, ha? 
See you sa school sa Monday. 

Magnus:
oo
see you, jela. 

Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon