Next day sa campus...
*sa garden ng school*
Vice:Sis,oh.. *sabay abot ng ice cream kay Ann na nakaupo sa bench*
Ann:Salamat girl..Girl,alam mo,iniisip ko parin yung S4 na yun.Sino ba sila at bakit ganun sila tratuhin ng mga tao sa paligid nila.
Vice:Oo nga.. *sabay dila sa ice cream*
Ann:Oo,gwapo sila,lalo na yung leader*ngumiti*.Pero maliban duon,wala na.Masama,walang galang,tarantado,siraulo,walang puso at mayayabang lang ang katangian nila.
Vice:Anong sila?Yung gwapong leader lang naman nila eh.
Ann:Aba,eh bakit hindi nila pinipigilan yung leader nila sa paggagawa niya ng masama?Ano sila?Bulag?
Vice:Oo,may tama ka dun,pero,yung isa,mukha namang mabait eh. *tinutukoy si Jhong,siya kasi si Ji Hoo...*
Ann:Oo nga...Kung ako papapiliin,dun nalang ako sa kanya..
Vice:O sha,*tumayo*..Bili pa ako ng ice cream ha!
Ann:Ge...
Vice:Sis! *papalapit na siya kay Ann ng bigla siyang natalisod.Natapon naman yung ice cream niya sa sapatos ng isang lalaki*
Ann:Omg..*tatakbo na sana si Ann papunta kay Vice pero nakita niya na ang lalaki*
Vice:Aray!
Ann:*nagtago sa isang puno*
Vice:Ah,sorry ha? *biglang tumingin siya sa taas* AH!Bong?!?Omg sorry!Hindi ko sinasadya!
Bong:HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO!
Vice:Sorry po talaga!Papalitan ko nalang yung sapatos niyo!
Bong:Sa tingin mo mapapalitan mo to?Anung akala mo?Mas mayaman ka pa sa akin?Alam mo bang gawa pa to sa Canada.
Vice:Uhm.Gagawin ko nalang lahat
Bong:Ang lahat ha?
Vice *tumango*
Bong:Pwes,dilaan mo yung ice cream sa sapatos ko.
Vice:Ha!?!
Bong:Binge ka ba?Dilaan mo sabi eh!
Vice:Pero...Bong...
*nakita bigla ni Ann at bigla siyang lumapit dito*
Ann:IKAW! *sabay turo kay Bong* SUMUSOBRA KA NA!
Bong:Sino ka?
Ann:Ako lang naman ang kaibigan niya!
Bong:Aba!Wow ha?Kilala mo ba ako?
Ann:Eh,sino ba namang hindi makakakilala sa isang demonyong tao katulad mo!
Bong:Wala kang pakialam kung gusto kong pagawa sa kanya yun!
Ann:At bakit?Hari ka ba?Diyos ka ba?Gwapo ka lang,kaya wag kang magyabang,akala mo naman kung sino ka para tratuhin ang mga taong wala namang ginagawang masama sayo!
Bong:So gusto mong tumigil ako?
Ann:OO!
Bong:Lick my shoes...
Ann:Ano kamo?!?
Bong:Lick my shoes!
Ann:*yumuko si Ann*
Bong:*tumingin sa kagrupo niya ng naka smirk* gagawin mo rin pala eh..
At nung biglang humarap si Bong,nilamusak ni Ann yun ice cream sa mukha niya.
Ann:Ano?Lalaban ka?
Bong:Takte!*sabay pahid ng ice cream sa mukha* Wala kang karapatang gawin sa kin yan!
Ann:At may karapatan ka bang pagawa sa bestfriend ko yung pinapagawa mo,ha?Di bale... *sabay labas ng pera sa wallet.*
Bong:Ano yan?
Ann:Ayan!Isang libo!Ayan yung baon ko sa isang taon,ayan!SAYO NA!Lamusakin mo sa mukha mo!Total pera lang naman ang gusto mo diba?
Bong:*speechless*
Ann:Tara na nga Vice. *sabay umalis papalayo sa kanila*
Bong:Anung nginingiti-ngiti niyo diyan!Itayo niyo nga ako!
Billy:Sus!Ang sungit mo nanaman!Haha!
Bong:Maghanda yang pangit na babaeng yan!Gagantihan ko yan!
*at Bong's House*
Iba iba ang ginagawa ng S4,si Billy at Teddy nag vivideoke,si Jhong naman naglalaptop at si Bong,naglalaro ng video games,yung suntukan..
Bong:Arghhghh!!!Mamatay ka na! (habang naglalaro ng video game)
Billy:(bumulong kay Teddy) Ano kayang nangyayari sa kanya.
Teddy:Hindi siya makaget over sa nangyari kanina,first time kasi..Lapitan mo nga!
Billy:(nilapitan si Bong) Kuys!Grabe ha?
Bong:Wag kang maingay!Nagiisip ako kung paano ako gaganti sa babaeng yon!
Billy:Sus!Kuys,makinig ka nga sa akin.
Bong:Oh?
Billy:Yung dating gawi lang! (sabay ngiti)
Bong:Haha,oo nga noh!Talino mo talaga!
Bong's POV: Mapapataob ko rin yang babaeng yan..(sabay smirk)