C H A P T E R T W E N T Y - S E V E N

49 3 6
                                    

Author's Note at the end of the chapter.

Nakalipas ang isang linggo pagkatapos ng mga nangyari nung araw na 'yon, naiwan ka na namang mag-isa sa dorm mo. Umuwi na yung mga Ate at Kuya mo dahil may trabaho pa sila. Hanggang ngayon, 'di mo pa rin maproseso sa isipan mo na dumating pa sa bugbugan yung dapat pinagusapan na lang. Nung araw na 'yon, pagkatapos mo'ng nilinaw sa kanilang lahat na bibigyan mo pa ng isang pagkakataon ang relasyon n'yo ni Julian, wala na'ng nagawa sina Kuya Enteng, Ate Feli, at Ate Remy. Nakita nila sa mga mata mo na umaasa ka pa.

Biglang tumunog yung cellphone mo, at tinignan mo yung caller ID. Si Julian. Sinagot mo agad yung telepono. "Hello?" Narinig mo sa kabilang linya na parang humihingal si Julian, yung mga tunog sa kalye ay rinig din sa background. "Babe, nasa dorm ka na ba?" tanong ni Julian. Umuwi ka'ng mag-isa pagkatapos ng klase mo. Hindi mo na muna inistorbo si Joven, and napa-update naman si Julian na whole day practice sila kanina. Next month na yung competition, at kahit perfect na yung mga galaw nila, ayaw ng trainer nila na second place ulit sila like last year.

Napalunok ka bago sumagot. Bigla mong naalala yung sinabi sa'yo ni Julian, isang araw pagkatapos ng bugbugan na nangyari. "I'll quit dancing for good," ang sabi n'ya habang naglalakad kayo pauwi. Nabigla ka sa sinabi n'ya. Magagawa n'ya ba talaga 'yon? He'll give up one of the things he loved doing the most?  Hindi. Hindi pwede. Magiging selfish na girlfriend ka if mag-a-agree ka sa gusto n'ya. "Jules, 'wag mo'ng gawin 'yan, please. You have been dancing ever since. Ayokong i-give up mo 'yan dahil sakin."

"Pero na'ng dahil d'on, nasaktan kita."

You shook your head, at hinawakan mo yung kamay n'ya. Napatingin s'ya sa'yo, at halong mangiyak iyak ka sa sitwasyon ng mukha n'ya. Mga pasa at sugat na matagal pa'ng humilom. "Hindi naman y'on yung dahilan. 'Wag kang tumigil sa pagsayaw. Ang gusto ko lang maging totoo ka sa mga sinabi mo sa'kin. Na we'll try again. Ayokong masira ulit ang lahat, Julian. 'Di na makakaya ng puso ko kung sasaktan mo 'ko ulit. I'll take the risk and trust you again."

"Babe? And'yan ka pa ba?"

Bumalik ka sa reyalidad nang marinig mo ulit yung boses ni Julian sa telepono. Mukhang kumalma na 'din yung paghinga n'ya. "Andito ako sa dorm ngayon," ang sagot mo. 

"Sige, papasok ako d'yan." Narinig mo yung yapak ng mga paa n'ya, hanggang sa kumatok s'ya sa pintuan ng kwarto mo. Agad ka namang tumayo sa kinahihigaan mo at binuksan mo yung pinto para sa kanya. Nang nakapasok na sya, agad n'yang hinalikan ang noo mo, at dahan dahan mo s'yang niyakap. "Namiss kita," pabulong mong sinabi, at naramdaman mong yung pagyakap n'ya sayo. "Sobrang namiss din kita, mahal ko."

"Julian?"

"Hmm?" 

"Natatakot ako."

Hinigpitan ni Julian ang yakap n'ya sayo. Alam n'ya kung gaano kahirap sa'yo ang pagkatiwalaan sya ulit, ni hindi mo pa s'ya ulit kayang tawaging "babe" o "mahal" kagaya ng dati. "Bakit, mahal ko?" tanong n'ya sa'yo. Hindi mo napigilan ang paghikbi sa dibdib nya. Nakailang beses ka nang umiyak sa harap n'ya simula nung araw na 'yon. May takot na sa puso mo sa kung ano ang posibleng mangyari sa pagkakataong binigay mo sa kan'ya. Hindi mo maiwasang isipin na baka hindi totoo lahat nang sinabi ni Julian, na baka napilitan lang ulit s'ya. 

"Hindi ka ba napilitang mahalin ako ulit?" 

Napahinga ng malalim si Julian sa tanong mo. Hindi hindi na maibabalik ang dating saya na meron kayong dalawa sa relasyon n'yo, at alam n'yang kasalanan n'ya 'to. "Hindi. Hindi ako napipilitang mahalin ka. Ikaw ang totoo kong mahal, at ipapakita at ipaparamdam ko 'yan hanggang sa maniwala ka na ulit sa'kin. Alam kong mahirap ang magtiwala ulit sa'kin, pero pangako ko sa'yo, mahal. Hindi na mauulit 'yon, hindi na kita iiwan ulit, hindi na kita sasaktan ulit. Tandaan mo 'yan, ha?"

"Gustong gusto kitang paniwalaan, Julian. Natatakot lang talaga ako. Please, 'wag kang magsawa sa'kin ulit. Alam kong nahihirapan ka rin. 'Wag ka lang mawala ulit. Please." 

~~~

Lumalim na ang gabi. Nakatulog ka na sa kakaiyak mo, at nasa tabi mo si Julian, tinitignan ang mukha mong payapa sa iyong pagtulog. Hindi ka n'ya maiwanan pagkatapos mong umiyak nang umiyak sa harap n'ya. Hindi n'ya pa rin mapatawad yung sarili n'ya sa nagawa n'ya sa'yo. Iniisip ni Julian na mas magkakaroon ka ng peace of mind kung napagdesisyunan mo nang iwanan s'ya, pero hindi ka n'ya mapakawalan.

Napakatanga ko. Ang lakas ng loob kong sabihin na s'ya yung dream girl ko, pero ang gago ko. Hindi ko dapat ginawa 'to sa'yo, mahal. Mahina ako, mahinang mahina. Mas kailangan mo ng taong malakas kagaya mo. Hindi ako ang para sa'yo.

Pero kung hindi ako yung para sa'yo, bakit pinili mong bigyan ako ng isa pang pagkakataon?

Napaiyak si Julian sa mga tumatakbo sa isip n'ya. "Aayusin ko 'to, mahal ko," ang bulong n'ya sa'yo, "hindi ako susuko, hanggang sa makita ko ulit yung saya sa mga mata mo." 

Biglang tumunog yung cellphone ni Julian, at agad n'ya itong nilabas sa bulsa n'ya. Isang text message.

Galing kay Lory.

Kinakamusta lang, humihingi ng pasensya. Tinatanong pwede, friends na lang ulit.

Agad na dinelete ni Julian ang text message. Hindi pa n'ya mablock sa social media si Lory dahil sa communications na kailangan sa practice. Matapos lang yung kompetisyon, mawawala na sya sa buhay nyong dalawa. Nilagay ni Julian yung cellphone nya sa bag, at niyakap ka, hanggang nakatulog na rin s'ya sa tabi mo.

~*~

It's been 3 years since the last update. I've seen that this still has readers, and it makes me happy na binabasa n'yo yung incomplete story ko haha! I'll be finishing this story within this year, or maybe within 30 chapters na? IDK, I will need to remember how this ended in my mind exactly since this was 2018 pa! Thank you so much to my readers, I don't know if you guys are still active, but thank you so much! 

See you in the next update!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Where stories live. Discover now