C H A P T E R T W E N T Y

86 7 0
                                    

"Sa wakas! Biyernes naaaaa!" biglang hiyaw ng kaklase mo nang natapos na yung lecture. It's Friday, and that means it's the weekly street food fest na ginagawa n'yo ni Julian for almost four years na. You immediately pulled out your phone and called him.

"Baby!" you chimed happily. Baka naman ngayon, masolo na kita kahit ilang oras lang. "Lauv!" he chimed back. Hindi mo napigilan yung sariling mong ngumiti. "Babe, may ginagawa ka ba?"

"Uhh..." Nagdadalawang isisp ka ba, Julian. You never did that before. "Sorry mahal ha? Pinapapractice kami ng early eh. Babawi ako next week ha? Alam ko na sobrang busy na talaga nating dalawa. As in mahal, promise talaga, next week."

You sighed and started to walk out of the building. "Sige mahal, okay lang. Uuwi na lang ako. Medjo marami din akong tatapusin eh."

"I'm so sorry..." Julian said, a tinged of sadness in his tone. "Don't worry, babe. I understand. Basta pagkatapos ng contest, at pagkatapos din ng pre-oral defense namin, babawi tayo sa isa't isa, okay?"

"I love you so much... Hindi ko talaga alam kung bakit deserve kong magkaroon ng isang katulad mo."

"I love you more, baby. Oh, sige na, baka start na kayo d'yan."

You both said your farewells, and ended the call. Ang lungkot lang na halos wala na kayong oras sa isa't isa. Pero understandable naman. Acads at extracurriculars 'to, kaya okay lang.

Lumalakad ka na pauwi nang naramdaman mong nagvibrate yung cellphone mo. Si Joven.

From: Joven

Uuuyyyy tapos na ba klase mo? Kain tayo street food! Nagkecrave ako eh!

Who could ever say no to street foods?

~~~

"Dalian mo na kasiii! Nagugutom na akoooo!" Joven whined as he pulled you towards the lined up street food carts. "Eto, dito tayo! Hanap ka na ng mauupuan natin!"

"Gutom na gutom talaga ano?" Biro mo kay Joven. "Oo naman! Naubos lahat ng energy ko dun sa long quiz namin!" Natawa ka na lang sa kanya. "Sige na nga. Order ka na d'yan. Kung ano order mo, yan din akin."

Nakahanap ka ng mauupuan, at malapit lang din naman sa cart na pinagbibilhan ni Joven. Mas masaya 'to siguro kung kasama namin ngayon sina Remy, Feli, at Kuya Enteng. Lumapit papunta sa table mo si Joven, at umupo sa tapat mo. "Oh, may problema ba?" tanong nito.

"Wala, naaalala ko lang sina Kuya Enteng." sagot mo sa kanya. "Nakakamiss din sila..." Biglang tumahimik kayong dalawa. Naninibago pa rin kayong dalawa kahit na ilang buwan na ang lumipas. Mas masaya pa rin pag kasama n'yo yung barkada. Pero sa kanilang lahat, mas namimiss mo talaga si Remy.

"Sa'n nga pala si Julian?" tanong ni Joven. "Ah, nasa practice s'ya ngayon. Parang mas sineseryoso nila yung pageensayo eh." Nakita mong lumiwanag ang mukha ni Joven nang papalapit na si aleng pishbol na dala yung inorder n'ya. "Salamat po!"

Ilang minuto lang ay naubos n'yo na yung dalawang mangkok ng fishball, kwek kwek, hotdog, at kikiam. Umorder pa kayo ng dalawang 12 onz na coke, at humabol sa mga ganap na nangyari sa linggong 'yon.

"'Di ko na talaga kaya, parang bibigay na 'ko!" Joven faked cried and took a sip of his cola. "Ano ka baaaa! Konting tiis na lang talaga, graduate na tayo!" Tumawa kayong dalawa, at biglang nawala nang nakita mo si Julian...

At kasama n'ya si Lory...

At hawak hawak n'ya ang kamay n'ya...

Tumayo ka sa kinauupuan mo, at binalewala yung tanong ni Joven, at pinuntahan si Julian. Tinapik mo yung braso n'ya, at nawala yung malaking ngiti sa mukha n'ya. Nanlaki yung mga mata n'ya na para bang nakakita s'ya ng multo.

"Akala ko ba may practice kayo ngayon?"

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Where stories live. Discover now