C H A P T E R T W E N T Y - T H R E E

67 4 1
                                    

Hindi mo na namalayan na sa pagpasok mo ng boarding house mo ay may tahimik na ingay na nanggagaling sa loob ng kwarto mo, kaya sa pagbukas mo ay nagulat ka na andoon ang mga ate at kuya mo. "Ba-"

"'Wag ka nang magtanong at umupo ka na dito," ang sabi ni Remy, "Joven, isara mo nga yung pinto." Umikot ka at nakita mo na isinara ni Joven yung pinto. Alam mo, sa kaloob-looban mo, na si Joven ang tumawag ka kanila. "Umupo ka na."

Sinunod mo ang utos ni Remy habang tinatago ang nagmamaga mong mata. "Ba't ngayon ka lang nakauwi?" tanong ni Remy. Alam mo na kapag bumuka ang bibig mo para sumagot, isang malaking hikbi ang lalabas. Alam mo sa sarili mo na kailangan mong maging malakas para wala nang mangyayaring gulo sa pagitan nina Kuya Enteng at Ate Feli mo at Julian. Alam mo na kailangan mong tratuhin yung sitwasyon na parang wala lang, para hindi ka na nila kukulitin pa.

Ngunit isang himas lang ng kamay ng Kuya Enteng mo sa likod mo, hindi mong napigilan na umiyak sa harap nilang lahat. Hindi mo din maitago ang katotohanang nasaktan ka at sa ngayong sitwasyon mo sila pinaka-kailangan. Hinayaan ka nilang umiyak habang niyakap ka nilang apat hanggang sa naging okay ka na.

Hindi na sila nagsalita pa at nagpasya ang mga ate at kuya mo na paghandaan kayo ng hapunan. Naiwan si Joven sa tabi mo, habang ikaw ay nakatingin lang sa hangin. "Tinipon mo talaga sila, noh?" ang tanong mo sa binata. Narinig mong ang pagbuntong hininga ni Joven. "Alam ko na kailangan mo ng mga kaibigan ngayon. Alam ko na hindi ako enough na magbigay ng comfort sa'yo, kasi noong umpisa pa naman, lagi tayong nandyan para sa isa't isa... nandyan ka para sa aming lahat. Ngayon, kami naman ang pagbigyan mo ng pagkakataon na iparamdam sa'yo na hindi ka nag-iisa."

Ikaw nagbuntong hininga, at hinarap si Joven. "Alam mo, nakausap ko si Goyo kanina. Alam na din n'ya. Alam mo, parang tama nga yung hinala ko na nagustuhan lang talaga ako no Julian dahil nalaman n'ya din na gusto ko s'ya. Parang napaka-unfair lang na hindi n'ya 'ko minahal ng totoo. Parang naging panakip butas n'ya 'ko sa attraction na dapat kay Lory n'ya ibibigay."

"'Wag na muna nating bigyang pansin 'yang si Julian, okay?" 'ika ni Joven, "focus ka muna sa kung anong meron ka, sa kung sino ang kasama mo ngayong oras na 'to." Hinawakan ni Joven ang kamay mo at napangiti ka sa kanya. "Tandaan mo," dagdag ni Joven, "reresbakan ka n'yan nina Ate Feli and Vicente."

Napatawa ka lang sa nasabi n'ya.

~~~~

A.N.

WOW!! Hindi ko talaga akalain na may nagbabasa pa nito! I'm very thankful na somehow, you still stumble upon this small story I made last 2018 pa! As to the people who are wondering how I am, okay lang po ako. Naging busy lang po sa past 2 years (almost) at nawalan din ng inspiration to continue this. But you, my reader, kayo ang naging inspiration ko to update another chapter for this book. Expect me to publish more chapters sooner. Mahal na mahal ko kayo!

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Where stories live. Discover now