C H A P T E R T W E N T Y - O N E

79 6 1
                                    

Julian smiled awkwardly and you saw him let go of Lory's hand. "Uhm... wala pala yung trainer namin eh..." You nodded, and raised a brow. "Eh, kung andito naman kayo, why don't you two join us sa table namin ni Joven? I'm sure walang table na for 'two' lang because of the crowd." You said while pulling the both of them to your table.

You were filled with rage, confusion, disappointment. Joven looked up, at bigla s'yang nasamid sa iniinom n'ya. Julian looked uncomfortable, kinakabahan, at ganoon din si Lory. Joven knew what's up.

"Sige na, may naorder na ba kayo?" you asked, your brow still raised at them. "Lauv..."

"Ay, Julian, 'wag mo akong ma-Lauv Lauv d'yan." you laughed. You looked at Joven, who's obviously still shocked at what was happening in front of them. "Uwi na tayo, 'Ven?"

You stood up, and Joven followed behind, looking back at Julian and Lory. "I'm sorry," Joven mouthed at Julian.

He knew what was up.

~~~

"Ba't parang gulat na gulat ka kanina, Joven?"

Nanigas si Joven sa galit mo. Hindi n'ya alam kung kailangan n'ya pang protektahan ka sa katotohanang tinatago n'ya, dahil ayaw n'yang masaktan ka. Pero, siguro it was time for you to know.

"May sasabihin ako sa'yo." Your heart pounded, may kutob ka na kung ano ang susunod na lalabas sa mga labi n'ya.

"Matagal ko na kasing alam, isang buwan na. Nakita ko sila, ilang beses na. May time na nilapitan ko talaga si Julian, at nakiusap s'ya na 'wag na muna sabihin sa'yo."

You smiled, and hugged Joven. "Naiintindihan ko na nagaalala ka lang sa'kin, pero salamat at sinabi mo sa'kin."

"Anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Joven. You broke the hug, and sat down on the sofa. "Siguro kakausapin ko na si Julian."

~~~

For the next two days, you ignored every call and text. Kahit na mga katok ng landlady mo, hindi mo pinapansin. "Pabalik balik na dito si Julian. 'Di mo ba s'ya haharapin?"

You opened your eyes, and sat up. 'Di mo pa 'to naikwento ka Remy. Napagpasyahan mong ikaw na muna ang magdedeal nito bago sila. Nagayos ka na ng sarili mo, at paglabas mo ng pinto ay nakita mo si Julian, naghihintay sa labas ng gate. You sighed. Ang aga aga pa para mastress.

"Mahal..." bungad n'ya sa'yo. Napatingin ka lang sa kanya. "Pwede ba tayong magusap?"

"Pwede ba, Julian? Pwede bang mamaya na lang pagkatapos ng klase ko ngayong araw?"

"Eh... praktis namin eh..." You sighed and walked away. Narinig mo si Julian na sumusunod sa'yo. "Mahal, sige na, please... 'Di ako pwede mamaya."

"Edi humanap ka ng paraan." Humarap ka sa kanya, at klaro sa mukha n'ya na pati s'ya ay nahihirapan na din sa sitwasyon na ginawa n'ya. "Humanap ka ng paraan, Julian. Tutal, nakahanap ka nga ng paraan para gaguhin mo 'ko."

~~~

"Sinabi mo na ba sa kanila?"

Umiling si Joven habang tinitignan ka. Halos 'di ka nakakain ng maayos. "Uy, alam kong mahirap 'to," ang sabi ni Joven, "pero dapat n'yo talaga 'to pagusapan."

"Alam ko, Joven. Ayoko lang na ako na naman ang maghahanap ng paraan kung paano kami maguusap. Nakakapagod, at mas lalo na 'kong napagod nang dahil sa ginawa n'ya."

You sighed, and looked up at Joven. "Gusto ko lang naman malaman lahat, pero nakakapagod na lahat. Napagod na 'ko sa lahat."

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Where stories live. Discover now