C H A P T E R T W E N T Y - F I V E

77 3 1
                                    

Naglakad kayo pauwi sa dorm mo, inches away from each other. As he said earlier, pinili ka nya, at susubukan nyang makuha ka nya ulit, kahit umabot pa ng isang dekada. Natawa ka nung sinabi nya 'yon. It was the first time ulit na nakita ka ni Julian na tumawa, at para sa kanya, unang hakbang na 'yon.

Nasa gate na kayo ng dorm n'yo, at napatingin ka sa kanya. "'Eto na tayo," ang sabi mo, "salamat, Julian." Napangiti sa iyo ang binata. "Anytime. Ihahatid at ihahatid kita dito sa dorm mo hanggang makuha ko ulit ang loob mo. Gagawin ko ang lahat hanggang mapagkatiwalaan mo 'ko ulit." Hinawakan nya ang mga kamay mo, at nanginig ka ng konti. Naninibago na ganito na naman kayo ulit, bumalik sa umpisa, sa kung saan nililigawan ka n'ya noon. Hinalikan nya ang mga kamay mo, at halos maiyak ka na ganito na s'ya ulit sa'yo.

"Hoy!"

Napatingin kayo sa pinto ng dorm mo, at nanlaki ang mata mo nang makita mo ang galit na galit na Vicente na nakatayo doon. Sinusubukan nina Remy at Joven na pigilan ang binata na sumugod na parang toro na nakakita ng pulang tela at ang pulang telang 'yon ay si Julian.

"Putangina mo Julian! Lumayo ka d'yan sa bunso namin! Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ni Vicente. Sa totoo lang, hindi mo alam kung mahihiya ka sa nangyayari, pipigilan mo si Vicente, o papatakbuhin palayo si Julian para hindi na s'ya masaktan, kaso medyo mabilis ang pangyayari.

Nabigo sina Remy at Joven sa pagpigil kay Vicente at sumugod kay Julian ang binata. Hindi ka nakagalaw kaya nakita mo na lang na nakapatong na si Vicente kay Julian at binubugbog ito. "Ang lakas ng loob mong gaguhin yung bunso namin, putangina ka!"

Narinig mo na lang na sumisigaw na si Remy habang inaawat si Vicente. Nakita mong duguan na ang mukha ni Julian, at doon ka na natauhan. Tumakbo ka sa tabi ni Julian, at nanginginig ang kamay mo habang dahan dahang mong hinawakan ang mukha nya. "I'm sorry, I'm sorry..." paulit ulit mong sinasabi. Hindi mo napansin na naiiyak ka na sa nangyari sa kanya.

"Hindi, 'wag kang magsorry, mahal," ang sagot ni Julian. Tinulungan mo s'yang makabangon. "Ano ba, Vicente! Tama na!" Ang sigaw ni Joven. "Tama na, please."

Putanginang buhay 'to.

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Where stories live. Discover now