C H A P T E R T W E L V E

110 2 0
                                    

Ilang buwan na rin ang lumipas, and Julian never missed one day of making you feel special.

And you eventually said yes.

"So... kayo na talaga?"

Remy sat on her bed, facing you. "Oo, 'insan!" sagot mo sa kanya. Kakauwi n'ya lang last month, at nagsestay muna s'ya sa dorm n'yo dahil sa mga ekstrang gawain sa eskwelahan. Ngumiti sa'yo si Remy at niyakap ka.

"Masayang masaya ako para sa'yo... pero kailangan naming kilatisin yang boyprend mo. Kailangan maging sure din kami na maaalagaan ka n'ya, kasi gagraduate na kami eh, wala nang kuya Enteng, ate Fe-"

"Remy!" You slapped her forearm playfully while laughing at what she said. "Oo na, dadalhin ko s'ya dito sa Friday."

"Ha? Ba't sa biyernes pa? Pwede namang mamaya, pagkatapos ng klase n'yo."

~~~~

"Jules..."

Julian looked down at you habang naglalakad. Kakatapos lang ng klase n'yo. Abril na, pero may pasok pa rin kayo. Noong Disyembre lang in-announce na sa 3rd week ng Abril pa yung graduation, kaya na-extend din yung class days n'yo.

"Ano 'yon?" he asked softly. You held his hand tightly, kinda nervous of what you're gonna say next.

"Gusto kang makilala nina Remy."

Napangiti si Julian sa sinabi mo. Sa totoo lang naman kasi, gustong gusto na n'ya makilala yung barkada mo. "Talaga? Kailan?"

"Ngayon na. Hinihintay na nila tayo sa dorm." You replied. His reaction surprised you. Akala mo matatakot s'ya sa sinabi mo.

Naglakad kayo papuntang dorm mo. Pagdating sa gate, humarap sa'yo si Julian, nakangiti pa rin. You looked at him, and sighed.

"Oh? Bakit mahal?" tanong n'ya sa'yo. Tinignan mo lang s'ya, at inayos ang buhok at damit n'ya. "Mahal, pagpasensyahan mo na kung medyo harsh sila. Mahal na mahal lang nila kasi ako. Tinuturing nila akong bunso ng barkada, lalo na si kuya Enteng."

Julian chuckled, and kissed your forehead. "Ano ba 'yan, mahal. Wala pa nga eh, nagsosorry ka na. Don't worry, I can handle them." And with that, he winked. Hinampas mo yung braso n'ya habang tumatawa. "Nagpapakilig pa ehh!"

Pumasok na kayong dalawa sa gate, at binati ni Julian yung landlady ng dorm mo. Sa pagpasok n'yo sa pinto, andun na agad sila, nakaupo sa sala. Kumpleto, at seryoso ang mukha.

"Ikaw si Julian." Tumayo si Vicente, at hinawakan yung kamay mo. "Upo ka muna, bunso."

Ngayon mo lang nakita ulit si Vicente na ganito ka seryoso at protective. The last time he acted that way was when Remy got hurt because of her douchey ex-boyfriend. Tumayo lang sa harap n'yo si Julian, halatang naninigas na sa kinatatayuan n'ya.

"Kilala ka naman namin noon pa, kasi ikaw lang yung bukang-bibig nitong bunso namin." Vicente said, obviously intimidating the other man. "Kuya naman." you groaned in embarrassment. The other women present snickered at what Vicente said.

"Paano ba namin masisigurado na maalagaan mo ang bunso namin kapag aalis na kami sa campus?" Vicente stopped in front of Julian. He needed to look up, since Julian was obviously taller than him.

Julian stood there, still quiet. Vicente made his way back beside Joven. Remedios stood up, and looked at him up and down.

"Kailangan ba talaga na ganito ka-seryoso?" ang tanong mo. Remedios turned to face you. "Oo, para malaman n'ya kung ano makukuha n'ya kung susubukan n'yang saktan ka."

You looked at Julian, and mouthed a "sorry" at him. He just smiled, as if telling you that he can handle the situation.

"Julian ha. Inaasahan naming apat na maaalagaan mo s'ya, na hinding hindi mo s'ya sasaktan, na andyan ka kapag kailangan ka n'ya. Sa oras na malalaman namin na nasasaktan na yung pinsan ko, hinding hindi kami magdadalawang isip na sugurin ka." Remedios said sternly.

Julian smiled, and bowed. "Hinding hindi ko po s'ya iiwan, sasaktan, o paiiyakin. Pangako po 'yan, ate."

"Oh, nangako na eh. Okay na ba?" Felicidad butted in. Joven looked at you, as if also saying sorry for all these. You smiled back at him.

"Okay na," sagot ni Remedios, "tsaka 'wag mo 'kong tawaging 'ate'. Nakakatanda eh." Julian smiled, and breathed ou in relief. Remedios held out her hand for him to shake. "Ako nga pala si Remdios, pinsan ng girlfriend mo."

Julian took her hand, and shook it firmly. "At s'ya si Felicidad, ang-"

"Ako kasintahan n'ya," ang sabi ni Feli, sabay tayo. Julian smiled, and nodded. "S'ya naman si Vicente, ang nagtatayong kuya ng pinsan ko, at si Joven..."

Joven raised his hand to be recognized. "Kasintahan ni Vicente."

You stood up and gave Julian a hug.

"Sabi sa'yo eh," Julian whispered, "I can handle them."

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Where stories live. Discover now