C H A P T E R S E V E N T E E N

107 2 0
                                    

A/N: best if you listened to Ours as you read it!

~~~

"Tita, ba't ba ang ganda ng anak n'yo?"

Napa-facepalm ka na lang sa tanong ni Julian sa mama mo, at tumawa naman ang mama mo sa tanong n'ya. "Nako naman anak, hindi mo man lang sinabi na palabiro pala 'tong si Julian!"

Kilala na ng mama mo si Julian bago mo pa s'ya pinakilala. Syempre, bilang only child, at mama's girl, chinichika mo naman lahat na nangyayari sa buhay mo. "Nako, anak. 'Di ko pa 'yan nakikilala sa personal, alam ko nang magugustuhan ko 'yan. 'Pag naging boyprend mo yan, makakampante talaga ako d'yan," ang sabi ng mama mo noon.

Nag-overnight lang naman doon si Julian, kasi gusto n'ya din makilala ang papa mo. Nagulat ang papa mo nung nakita n'yang may dala kang lalake sa pag-uwi mo. "Aba, at sino ka, hijo?" ang tanong ng papa mo, yung boses n'ya halos marinig na nang nga bahay na nakapalibot sa inyo. "Julian del Pilar po," itinaas ni Julian ang kamay n'ya para makipagkamayan sa iyong ama. Napatingin na lamang ang ama mo sa iyo, at ngumiti ka. "Boyfriend ko po, 'pa."

Akala mo magsusuplado ang papa mo kay Julian, pero ang ginawa n'ya ang bumili ng isang long neck, at inimbitahan ang iba mong mga pinsan na lalake na makipaginuman. Game naman si Julian, pero halatang halata sa mukha n'ya yung kaba.

Nung nagumpisa nang umikot ang tagay, isa isa silang nagtanong kay Julian. "Mahal mo ba talaga yung prinsesa ni tito?"

"Maalagaan mo ba?"
"Baka naman mabuntis mo, eh, malalagot ka talaga sa'min."
"Baka lolokohin mo lang naman eh!"

Wala ka namang magawa dahil usapang mga lalake yun eh. Pinapanood mo na lang si Julian na sinasagot ng kalmado at maayos ang mga tanong nila.

"Oy, manahimik muna kayo."

Napatingin ang lahat sa papa mo. "Oy, Julian. Maasahan ba kita na hinding hindi mo sasaktan yung anak ko? Hindi mo papaiyakin at mamahalin mo ng buong buo? Ang gusto ko lang namang malaman ay kung tamang mga kamay ang humahawak sa puso ng prinsesa ko."

Napangiti si Julian. "Tito, nasa tamang kamay po ang puso ng anak n'yo. Mahal na mahal ko po s'ya, at hinding hindi ko po s'ya sasaktan. Ang swerte swerte ko nga po sa kanya. S'ya po ang mundo ko, at sa kanya ko lang po ilalaan lahat ng oras ko."

"Basta 'wag mo lang buntisin." dagdag ng papa mo. "Maasahan n'yo po ako d'yan tito. Nirerespeto ko po ng sobra ang anak n'yo."

"Kung ganon... pwede mo na akong tawaging 'papa'." Guminhawa nang malalim si Julian at ngumiti. Parang abot langit at saya mo, dahil tanggap ng pamilya mo ang lalaking pinakamamahal mo.

~~~

"S'an na ba kayo? Andito na sina Joven at Vicente!" Tanong ni Remedios. Napatawag na dahil nalelate na kayong dalawa ni Julian sa barkada get together n'yo. "Malapit na kami, Remy! Ano ba, parang ang layo ng mall sa campus."

"Eh, ang bagal bagal n'yong dalawa eh." Tumawa ka na lang sa kanya. "Kakatapos lang naman naming magpa-verify ng registration forms namin. Alam mo naman, kapag enrollment, ang daming pila."

"Oh, sige sige. Reason accepted. Basta bilisan n'yo na. Nakapagreserve na ng family karaoke room si Feli."

Dumating na nga din kayong dalawa, at agad agad ding may hug fest pagkapasok n'yo. Miss na miss n'yo ang isa't isa, at ang isa pa doon, naging parte na din si Julian sa barkada n'yo, kahit na minsan nagkukunwareng nandidiri sina Joven at Remy sa inyong dalawa. "Ang tamis n'yong dalawa! Yuck!"

Isa isa na kayong nagreserve ng mga kanta n'yo, at isa isa na ring kinanta ang nireserve ns mga kanta. Choices ni Vicente medyo 70's at 80's love songs, at syempre inalay nya lahat sa pinakamamahal n'ya. Sina Feli at Remy naman 'di nagpatalo sa male-female duets, nagtetake turns lang kung sino na yung lalake. "Oh, sige ako si Ogie, ikaw si Regine," sabi ni Feli habang tumutugtog na yung intro ng kanta. "Eh! Ang taas kaya ng parts ni Regine! Ako na lang si Ogie!"

Nung kanta mo na, naghiyawan silang lahat. "Para kay Julian yan!" Sigaw ni Vicente. "Kuya naman eh!"

Elevator buttons and morning air
Strangers' silence makes me wanna take the stairs

Nakatingin ka lang kay Julian na nakangiti.

If you were here we'd laugh about their vacant stares
But right now, my time is theirs

Nakatingin lang kayo ni Julian, habang kinakanta mo yung kanta na nireserve mo.

Don't you worry your pretty little mind
People throw rocks at things that shine
And they can't take what's ours
The stakes are high
The water's rough
But this love is ours

Habang tumutugtog yung instrumental, tumayo si Julian at niyakap ka n'ya from behind. Biglang kinilig sina Joven at Remy, at nagsigawan. "Huy kumalma kayong dalawa!" Sigaw ni Feli.

And it's not theirs to speculate,
If it's wrong and,
Your hands are tough but they are where,
My belong in,
I'll fight their doubt and give you faith with this song for you.

Humarap ka kay Julian at nagpatuloy sa pagkanta.

'Cause I love the gap between your teeth,

"Wala namang gap yung ngipin ko eh." Ang sabi ni Julian.

And I love the riddles that you speak,
And any snide remarks from my father about your tattoos will be ignored,

"Wala rin akong tattoo!"

'Cause my heart is yours.

Niyakap ni Julian habang patuloy kang kumakanta. Nilagay mo yung ulo mo sa dibdib n'ya, at hinalikan n'ya ang ulo mo. "I love you," bulong n'ya sa'yo.

The stakes are high,
The water's rough,
But this love is ours.

SINO (Julian del Pilar x Reader || TAGLISH)Where stories live. Discover now